CSWDO nagsagawa ng orientation hinggil sa Child Sexual Abuse Prevention para sa mga kabataan at out of school youth.

  1.jpg 10.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg


TINGNI: Nagsagawa ng orientation hinggil sa Child Sexual Abuse Prevention para sa mga kabataan at out of school youth sa lungsod ang City Social Welfare & Development Office (CSWDO) noong February 10.

Sa temang “Maging Solusyon: Labanan ang Online Sexual Abuse and Exploitation of Children” (OSAEC), layunin nito na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga kabataan tungkol sa ibat-ibang uri ng pang-aabusong sekswal.


Hangad din nito na matiyak ang kanilang kaligtasan laban sa karahasan mapa-online man o offline.


Tinalakay ni Social Welfare Officer Charo Bonifacio ang mga legal na hakbang upang labanan ang ganitong mga uri ng krimen at ang mga tungkulin ng mga ahensyang katuwang sa pagprotekta sa karapatan ng mga kabataan.


Ibinahagi din niya kung paano tutukuyin ng mga bata ang mga bagay na maituturing na sexual abuse nang sa gayon ay maiwasan nila na maging biktima at itinuro din kung paano at kanino dapat mag sumbong sakaling makaranas ng ganitong pang-aabuso.
Binigyang diin din sa nabanggit na gawain ang kahalagahan at tungkulin ng mga magulang sa pangangalaga sa kanilang mga anak laban sa sexual abuse.


Samantala, nagsagawa din ng financial distribution para sa 56 na pamilya sa ilalim ng programang Comprehensive and Integrated Social Services at 30 beneficiaries ng Immersion Outreach Program (IOP) for Out of School Youth. (PIO Batangas City)