65 Kabataan, Nagsimula na sa Summer Job sa Ilalim ng SPES Program

  01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg 05.jpg 06.jpg

TINGNI: Nagsimula na ang 65 kabataang Special Program for Employment of Students (SPES) grantees sa 20 araw na summer job sa iba’t ibang departamento ng pamahalaang lungsod, May 5.

Layunin ng naturang programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ipinatutupad ng Public Employment Service Office (PESO) na mabigyan ng pagkakataong makapaghanapbuhay ang mga mag-aaral ngayong bakasyon lalot higit yaong mga estudyante na may kakulangang pinansyal.

Sumailalim ang mga ito sa orientation bago magtungo sa itinalagang tanggapan ng lokal na pamahalaan.

Tatanggap ang bawat isang SPES ng mahigit sa P12,000 allowance para sa 20 araw na pagtatrabaho kung saan 60% nito ay mula sa pondo ng City Government samantalang ang 40% ay manggaling sa pondo ng DOLE.

Kasama rin sa benepisyong matatanggap ng mga grantees ang GSIS insurance na may na ₱60,000 death claim at ₱5,000 medical o hospitalization claim.

Samantala, ginawaran kamakailan ng DOLE Batangas ang PESO Batangas City ng parangal bilang Provincial Champion sa Search for Best PESO – Component City Category.

Kinilala din ito sa Livelihood Implementation at aktibong pagsasagawa ng mga Anti-Illegal recruitment activities.

Ang nasabing tanggapan ang katuwang ng nabanggit na kagawaran sa pagbibigay ng trabaho at pagsusulong ng mga programang pangkabuhayan sa lungsod. (PIO Batangas City)