- Home
-
About
- General Information
- City Profile
- City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
-
Tourism
- Tourist Spots
- Tourist Information
- CAREERS
- Contact Us
Mayor Marvey Mariño, Pinangunahan ang Pamamahagi ng Inahing Kambing sa 46 Benepisyaryo ng Goat Dispersal Program sa Batangas City
- Details
- Friday, 05 September 2025 - 9:52:18 AM
- Views: 586
TINGNI: Pinangunahan ni Mayor Marvey Mariño ang pamamahagi ng inahing kambing sa 46 residente mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod, September 4.
Isinagawa ito sa ilalim ng Goat Dispersal Program ng pamahalaang lungsod na ipinatutupad ng Livestock Division ng City Veterinary Office (CVO).
Ang programa, na sinimulan noong administrasyon ni dating Punonglungsod Eduardo Dimacuha at ipinagpapatuloy ni Mayor Mariño, ay naglalayong makapagbigay ng karagdagang pagkakakitaan at mapalakas ang industriya ng paghahayupan sa Batangas City.
Isa sa mga nakinabang sa programang nabanggit ay si Mang Victor Balmes ng Talahib Payapa.
Ang paghahayupan aniya ang kanilang ikinabubuhay at siyang ipinangtaguyod sa kanyang pamilya.
Lubos ang kanyang pasasalamat sa tulong pangkabuhayan na ito dahil bukod sa kambing, napaiwi din aniya siya ng baka at baboy ng lokal na pamahalaan.
Ayon sa kasunduan, bago tuluyang maangkin ang pagmamay-ari nito, kinakailangang magbalik ng benepisyaryo ng dumalagang kambing na ipapaiwi naman sa kanyang kabarangay na kwalipikado sa nasabing programa.
Binigyang-diin ang mga beneficiaries ng vitamins at pampurga at tinuruan ng tamang paraan ng pag-aalaga ng palahiang kambing.
Nakiisa din sa pamamahagi si Vice Mayor Alyssa Cruz at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
24/7 Mayor's Action Center
Hotline : 0999-222-6626
Mayor's Action Center : 786-1920
BFP Batangas City : (043) 425-7163
PNP Batangas City : 702-1974
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine
Red Cross: 0951-282-0000
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738

















