- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- CAREERS
- Contact Us
Mayor Marvey Mariño, Pinangunahan ang Unang Pagpupulong ng Local Health Board para sa Pagpapalakas ng Serbisyong Pangkalusugan sa Batangas City
- Details
- Friday, 05 September 2025 - 3:15:09 PM
- Views: 387
TINGNI: Humarap sa pagpupulong sa unang pagkakataon si Mayor Marvey Mariño bilang Chairman ng Local Health Board (LHB) upang ilatag ang malinaw na direksyon para sa pagpapalakas ng sistemang pangkalusugan sa lungsod.
Ito ay nilahukan ng mga kinatawan ng iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan at civil society organizations (CSO) na layuning tiyakin ang transparency sa pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan at sa paggamit ng nakalaang pondo para rito.
Ipinresenta ni City Health Officer at LHB Vice Chairperson Dra. Rosanna Barrion ang 8-Point Action Agenda ng Department of Health (DOH) na layong palawakin ang access sa serbisyong medikal, pagandahin ang kalusugan ng mamamayan, at patatagin ang healthcare system ng bansa bago sumapit ang taong 2040.
Layunin nitong maisama ang Pilipinas sa hanay ng mga pinakamalusog na bansa sa Asya.
Ibinahagi naman ni DOH Development Management Officer IV Vincent Nolasco ang programang Purok Kalusugan, isang inisyatibo na nagdadala ng pangunahing serbisyong medikal direkta sa mga komunidad.
Tatlong barangay ang unang makikinabang dito kabilang ang Wawa, Sta. Rita Karsada, at Malitam, habang target namang maabot ang 40% ng kabuuang barangay sa lungsod sa susunod na taon.
Tiniyak ni Mayor Marvey na ang mga repormang ipatutupad sa lungsod ay nakahanay sa 8-Point Action Agenda ng DOH.
Kabilang sa mga pangunahing hakbang ay ang pagdaragdag ng mga doktor, nurse, at midwife, patuloy na pagpapahusay ng EBD Healthcard system at pakikipag-ugnayan sa mga laboratories at pharmacies para sa iba pang pangangailangang medikal.
Hinimok din niya ang lokal na pamahalaan at mga katuwang na ahensya na i-localize ang datos ng DOH, partikular sa mga nakakahawang sakit, upang makabuo ng mas epektibong estratehiya at matiyak na sapat ang pondong nakalaan para sa mga programang pangkalusugan.
“Hindi lang ito plano, ito ay mga kongkretong hakbang kung saan itataas natin ang antas ng serbisyong pangkalusugan dito sa Batangas City” sabi ni Mayor. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
24/7 EBD Health Emergency
Hotline : 0999-222-6626
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
















