37 Batangueño, Nabigyan ng Libreng Titulo ng Lupa sa Ilalim ng Programang “Libreng Titulo, Handog Para sa mga Batangueño”

  01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg 05.jpg 06.jpg 07.jpg

TINGNI: Personal na iniabot ni Mayor Marvey Mariño ang mga titulo ng lupa sa 37 benepisyaryo ng programang “Libreng Titulo, Handog Para sa mga Batangueño” ng Pamahalaang Lungsod ng Batangas noong Oktubre 3.

Ang mga benepisyaryo ay mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod. Napatituluhan ng libre ang 23 residential at 14 agricultural lots.

Saklaw ng programa ang pagkakaloob ng libreng handog titulo para sa mga residential lot na may 500 square meters pababa at mga agricultural land na mula 501 square meters hanggang limang ektarya.

Sinimulan ang programang ito noong 2014 sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Eddie Dimacuha, at ipinagpatuloy ng mga sumunod na administrasyon hanggang sa kasalukuyang pamumuno ni Mayor Marvey Mariño. Sa kabuuan, 241 libreng titulo na ang naipagkaloob sa mga taga lungsod.

Ang programa ay pinamamahalaan ng Office of the City Environment and Natural Resources Officer (OCENRO) katuwang ang mga kaugnay na ahensya ng pamahalaang nasyonal. (PIO Batangas City)