Batangas City Community Skate Park, Pormal na Binuksan sa Pamumuno nina Mayor Mariño at Congresswoman Dimacuha

  01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg 05.jpg 06.jpg 07.jpg 08.jpg 09.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg

TINGNI: Pinangunahan nina Mayor Marvey Mariño at Congresswoman Beverley Dimacuha ang blessing at ribbon-cutting ceremony ng Batangas City Community Skate Park, Oktubre 4.

Matatagpuan ang nasabing pasilidad sa ilalim ng Calumpang Bridge, Barangay Pallocan West.

Nabuo ang konsepto Community Skate Park sa panahon ng administrasyon ng noo’y Mayor Dimacuha, katuwang ang Office of the City Environment and Natural Resources Officer (OCENRO), at ang iba pang departamento ng pamahalaang lungsod.

Isinakatuparan naman ni Mayor Mariño ang nasabing proyekto at ipagpapatuloy ang pagpapaunlad at pagpapaganda ng naturang lugar.

Layunin ng proyekto na magbigay ng angkop at ligtas na lugar para sa mga kabataang nahihilig sa skateboarding at iba pang kahalintulad na sports.

Ang disenyo ng pasilidad ay binuo sa rekomendasyon at gabay ng Batangas Skates Community sa pangunguna nina Nico Andal at Kevin Reyes.

Dumalo sa naturang okasyon sina Vice Mayor Alyssa Cruz at mga konsehal ng lungsod.

Bukas ang Batangas City Community Skate Park mula ika-6:00 ng umaga hanggang ika-9:00 ng gabi. (PIO Batangas City)