- Home
-
About
- General Information
- City Profile
- City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
-
Tourism
- Tourist Spots
- Tourist Information
- CAREERS
- Contact Us
CHO, Nagsagawa ng Enhancement Orientation at Program Implementation Review para sa Community-Based Drug Rehabilitation at Reintegration Program
- Details
- Wednesday, 05 November 2025 - 9:49:38 AM
- Views: 373
TINGNI: Nagsasagawa ang City Health Office (CHO) ng Enhancement Orientation & Program Implementation Review (PIR) on Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP) and Reintegration para sa mga kinatawan ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) mula Nobyembre 3–7.
Taun-taon itong isinasagawa ng CHO bilang isa sa mga aktibong kasapi ng City Anti-Drug Abuse Council (ADAC) upang mapaigting ang kampanya laban sa ilegal na droga at mapalakas ang kakayahan ng mga barangay sa implementasyon ng kanilang CBDRP.
Sa ilalim ng nasabing programa, tinutulungan ang mga drug surrenderers o Persons Who Use Drugs (PWUDs) na magbago at muling makabalik sa lipunan.
Ibinahagi ni PSSgt. Alyssa Ashley De Torres ng Batangas City Component Police Station (BCCPS) ang City Drug Situation Status 2025 at ang Barangay Drug Clearing Operation Program.
Nagbigay rin ng update si Dr. Liza Gonzales, CHO-SAPP Medical Manager, hinggil sa pagpapatupad ng CBDRP at sa mga hakbang para mapalakas pa ito sa barangay.
Tinalakay naman ni RSW Lilibeth Cueto ang YAKAP BAYAN Program, isa sa mga inisyatibo ng pamahalaan para sa After Care at reintegrasyon ng mga dating nalulong sa ipinagbabawal na gamot.
Ipinaliwanag din ni Albert Serquiña mula sa Office of the City Agriculture ang Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG) Program na layuning mahikayat ang mga residente na makilahok sa sustainable urban farming bilang bahagi ng community involvement.
Ang papel ng faith-based organization naman ang ibinahagi ni Rev. Capt. Peter Alcantara ng JA1 CHS KaSimBayanan sa pagpapatupad ng Drug Abuse Prevention Program.
Bukod sa pagbabahagi ng accomplishments, nagprisinta rin ang mga kalahok ng kanilang PIR kaugnay ng substance abuse programs tulad ng smoking cessation, alcohol cessation, at anti-illegal drugs prevention.
Dumalo sa aktibidad ang mga Pangulo, Secretary, at mga Kagawad na miyembro ng Peace and Order Committee at Committee on Health ng iba’t ibang barangay.
Hinikayat ni Dr. Gonzales ang publiko na bigyan ng pangalawang pagkakataon ang mga PWUDs at ipakita ang malasakit at suporta sa kanilang muling pagbangon upang tuluyang maalis ang stigma o negatibong pananaw ng lipunan sa kanila. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
24/7 Mayor's Action Center
Hotline : 0999-222-6626
Mayor's Action Center : 786-1920
BFP Batangas City : (043) 425-7163
PNP Batangas City : 702-1974
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine
Red Cross: 0951-282-0000
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738


















