Pinasinayaan ang Kauna-unahang Multi-Purpose Covered Court sa Poblacion, Batangas City

  01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg 05.jpg 06.jpg 07.jpg 08.jpg 09.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg

TINGNI: Pinasinayaan ang kauna-unahang multi-purpose covered court sa buong poblacion ng Batangas City noong November 5, na matatagpuan sa barangay Poblacion 12.

May kabuuang sukat na 940 square meters ang nasabing pasilidad.

Nagsimula ang konstruksyon nito noong Enero 2024 at natapos ang Phase 2 ng proyekto noong Oktubre 2025.

Sa susunod na taon, isasagawa ang Phase 3 na kinabibilangan ng pagpapagawa ng bakod, driveway, at kanal sa paligid ng pasilidad.

Ayon kay Punong Barangay Evangeline Faigmane, magsisilbi ang multi-purpose covered court bilang sports venue, event center, at evacuation area tuwing panahon ng kalamidad.

Bukas din ito para magamit ng mga residente mula sa mga karatig-barangay.

Isang maikling programa ang isinagawa matapos ang banal na misa at ribbon-cutting ceremony.

Dumalo sa nasabing okasyon sina Batangas 5th District Representative Beverley Dimacuha, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, barangay officials, at mga kinatawan ng iba’t ibang community organizations. (PIO Batangas City)