Batangas City, Magbubuo ng Cyber Response Team Laban sa Bomb Threat Incidents

  01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg 05.jpg 06.jpg 07.jpg 08.jpg 09.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg

TINGNI: Nakatakdang magbuo ng Cyber Response Team ang pamahalaang lungsod ng Batangas na tututok sa pag-responde sa mga insidente ng bomb threats sa Batangas City.

Ito ay napagkasunduan sa ginanap na pagpupulong ng mga miyembro ng City Peace and Order Council (CPOC) noong November 5, na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang pampubliko at pribadong paaralan at unibersidad sa lungsod.

Sa naturang pagtitipon, nagbigay ng lecture si PLt. Jay Pachika ng Provincial Explosive and Canine Unit (PECU) hinggil sa mga tamang hakbang na dapat gawin kapag may natanggap na bomb threat.

Ibinahagi naman ng kinatawan ng Batangas Component City Police Station (BCCPS) ang kanilang standard operating procedures (SOPs) sa pagtugon sa ganitong mga sitwasyon.

Kabilang sa mga napag-usapan ang pagkakaroon ng alternative venue para sa mga klaseng maaantala upang maiwasan ang class suspension, gayundin ang mungkahing irehistro ang mga contact number ng lahat ng estudyante para sa mas mabilis na komunikasyon sa oras ng emergency.

Dumalo sa pagpupulong sina Mayor Marvey Mariño, DILG City Local Government Operations Officer (CLGOO) Esther Dator, City Administrator Engr. Januario Godoy, at ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod. (PIO Batangas City)