Year-End Planning & Assessment ng PESO Batangas Idinaos; LPU Batangas Kinilala sa National PESO Awards

01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg 05.jpg 06.jpg 07.jpg 08.jpg 09.jpg 10.jpg

TINGNI: Nagtipon ang mga Public Employment Service Officers (PESO) sa lalawigan ng Batangas para sa Year-end Planning & Assessment at 4th Quarterly Meeting ng Batangas Provincial Federation of PESO Managers ngayong araw, December 4.

Dumalo sa pagtitipon ang mga kinatawan mula sa 34 LGUs at limang University Job Placement Offices sa lalawigan.

Ayon kay April Magpantay, Labor & Employment Officer ng DOLE Batangas, malaking achievement at karangalan para sa lalawigan na maging isa sa mga host ng 25th National PESO Congress na ginanap noong Oktubre sa Tagaytay City.

Kaugnay nito, iginawad ng federation at DOLE Batangas ang certificate of appreciation kina Mayor Marvey Mariño at Congresswoman Beverley Dimacuha bilang pagkilala sa kanilang suporta upang maging matagumpay ang pagdaraos ng National PESO Congress.

Ibinahagi rin ni Magpantay ang isa pang mahalagang tagumpay ng lalawigan — ang pagkakaroon ng pangalawang Hall of Fame awardee, matapos kilalanin ang LPU Batangas bilang National Best Public Employment Service Office (PESO) sa kategoryang Educational Institution.

Tinalakay din sa pagpupulong ang constitution and by-laws ng samahan kabilang ang mga proposed amendments at ratification.

Bilang bahagi ng programa, iginawad ang parangal sa Best PESO, SPES Implementer, at Most Outstanding Job Fair Implementer.

Inaasahan ni Magpantay na pagsapit ng 2026 ay lalo pang magiging aktibo ang mga miyembro ng federation at makapagtutulak ng mas marami pang programa gaya ng Benteng Bigas para sa mga minimum wage earners.

Patuloy ding pagtitibayin ang implementasyon ng Top 3 Core Functions ng PESO: ang Career Development Support Program, Labor Market Information at Recruitment and Placement.

Layon ng federation na higit pang mapataas ang employment rate at mabigyan ang mas maraming kabataan ng oportunidad sa trabaho sa buong lalawigan. (PIO Batangas City)