- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- CAREERS
- Contact Us
Leovino Javier Nahalal bilang ERPAT Federation President sa Batangas City; Barakong ERPAT Ipinakilala
- Details
- Thursday, 04 December 2025 - 5:04:12 PM
- Views: 171
TINGNI: Nahalal bilang Empowerment and Reaffirmation of Paternal Abilities (ERPAT) Federation President sa lungsod si Leovino Javier sa isinagawang eleksyon ng samahan ngayong araw, December 4.
Ang ERPAT ay samahan ng mga haligi ng tahanan na naglalayong mapaunlad at mapalakas ang kakayahan ng mga padre de pamilya sa Batangas City.
Bago ang eleksyon, ipinabatid ni RSW Focal Person Ana Jovel Orellana ng Office of the City Social Welfare and Development Officer (OCSWDO) na hangad ng programa na higit na mapalakas ang parenting capabilities ng mga miyembro upang lubos na magampanan ang responsibilidad sa pagtataguyod ng magandang kinabukasan para sa kanilang pamilya.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Congresswoman Beverley Dimacuha ang kahalagahan ng pagpapatuloy ng mga programa ng ERPAT.
Aniya, mahalaga ang pagpapalakas ng tungkulin ng mga ama, kabilang ang pangangalaga sa kanilang mga anak, wastong pamamahala sa pag-uugali ng mga ito, at pag-iwas sa anumang uri ng karahasan.
Ipinabatid din sa okasyon ang bagong bersyon ng samahan — Barakong ERPAT o B-agong A-dhikain at R-epormang A-lay ng K-alalakihang O-rganisado ERPAT na nakatuon sa pagbibigay ng mas malawak na pagkakataon sa mga kalalakihan na makibahagi sa pagbuo ng lipunan at makapagpatupad ng iba’t ibang proyekto para sa kapakanan ng kanilang sektor.
Ang ERPAT ay sa ilalim ng patnubay ng OCSWDO. (PIO Batangas City)
Latest News
Emergency Hotlines
24/7 EBD Health Emergency
Hotline : 0999-222-6626
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738


















