- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- CAREERS
- Contact Us
Batangas City IMT, Handa na para sa Street Party at City Fiesta 2026
- Details
- Thursday, 15 January 2026 - 2:11:00 PM
- Views: 183
TINGNI: Inilahad ng Incident Management Team (IMT) para sa Street Party at City Fiesta 2026 ang kanilang mga plano at kahandaan para sa mga aktibidad na gaganapin sa Enero 15 at 16.
Sa isinagawang IMT Operational Briefing ngayong Enero 14, tiniyak ng Batangas City Police Station (BCPS) na magtatalaga ng sapat na bilang ng mga pulis sa iba’t ibang lugar upang masiguro ang kaligtasan at kaayusan ng lungsod.
Magsasagawa rin ng paneling sa mga event area ang BCPS katuwang ang Philippine Coast Guard.
Nakaantabay naman ang mga medical team mula sa City Health Office (CHO) at nakipag-ugnayan na rin sa mga ospital sakaling magkaroon ng mga emergency.
Handa rin ang mga kagamitan at sasakyan ng Pamahalaang Lungsod, gayundin ang mga street sweeper para sa pagpapanatili ng kalinisan sa mga lugar na pagdarausan ng mga aktibidad.
Ipinabatid din ng Transportation Development and Regulatory Office (TDRO) ang pansamantalang pagsasara ng ilang kalsada, kabilang ang Rizal Avenue corner P. Burgos at P. Dandan corner P. Panganiban, bukas ganap na alas-3:00 ng hapon para sa Street Party.
Inihayag din ang re-routing ng mga pampublikong sasakyan kaugnay ng City Fiesta Parade sa Enero 16.
May anunsyo ukol dito ang TDRO sa kanilang Facebook page.
Nagpahayag din ng kanilang kahandaan ang iba pang miyembro ng IMT tulad ng Bureau of Fire Protection (BFP), Discipline Safety and Security Office (DSSO), City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), Public Information Office (PIO), at iba pa.
Mariing pinaalalahanan ng IMT ang publiko na panatilihin ang disiplina at kaayusan, at iwasan ang anumang uri ng gulo, lalo na ang mga insidenteng may kinalaman sa pag-inom ng alak.
Babala ng IMT, maaaring arestuhin ang sinumang lalabag sa umiiral na mga batas at ordinansa.
Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagpapalipad ng drone at anumang flying objects sa mga event area.
Tanging ang BCPS lamang ang may pahintulot na magpalipad ng drone para sa security at safety monitoring.
Ang IMT ay binuo para sa dalawang nabanggit na aktibidad bilang tugon sa tagubilin ni Mayor Marvey Mariño upang matiyak ang maayos at ligtas na pagdaraos ng kapistahan ng lungsod.
Tumatayong Incident Commander nito si OIC–Chief of Police PLTCOL Ira Morello. (PIO Batangas City)
Latest News
- Batangas City, Kauna-unahang Lungsod sa Lalawigan na Naglagay ng AED sa mga Pampublikong Lugar sa Ilalim ng Project Mabilis na Aksyon Medikal (MAM)
- Office of the City Civil Registrar – Batangas City, Nakamit ang Ikalawang Pwesto sa 2024 CALABARZON Outstanding Local Civil Registry Offices sa Kategoryang Super Extra Large
- Senator Raffy Tulfo, Nagsagawa ng Inspeksyon sa Batangas City Grand Terminal para sa Mahigpit na Implementasyon ng Road Speed Limiter Act
Emergency Hotlines
24/7 EBD Health Emergency
Hotline : 0999-222-6626
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738










