- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- CAREERS
- Contact Us
80 Benepisyaryo ng Food for Work Program, Nakiisa sa Clean-Up Drive sa Sitio Central, Barangay Cuta
- Details
- Friday, 27 February 2026 - 3:55:20 PM
- Views: 103
TINGNI: Nagkaisa ang 80 benepisyaryo ng Food for Work Program katuwang ang mga miyembro ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council (BDRRMC) sa isinagawang clean-up drive sa Sitio Central, Barangay Cuta ngayong Pebrero 27.
Layunin ng programa na hindi lamang mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran kundi higit pang mapalakas ang kahandaan ng komunidad laban sa posibleng pagbaha at iba pang sakuna.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, nilinis nila ang mga baradong daluyan ng tubig na maaaring magdulot ng pag-apaw tuwing may malakas na ulan.
Personal na bumisita sa lugar si Marvey Mariño na siya ring tumatayong CDRRMC Chairperson.
Inatasan niya si City Engineer Dwight Arellano at City DRRM Officer Rodrigo Dela Roca na magsagawa ng pagsusuri at makapaglatag ng pangmatagalang solusyon sa mga suliraning kinahaharap ng mga daluyan ng tubig, lalo na sa mga lugar patungo sa baybayin upang tuluyang maiwasan ang mga insidente ng pagbaha.
Bilang pasasalamat ng pamahalaang lungsod sa kanilang aktibong partisipasyon sa nasabing clean-up, tumanggap ang mga residente ng Family Food Packs.
Ang inisyatibong ito ay naglalayong higit pang mahikayat ang mamamayan na makibahagi sa mga programang nagtataguyod ng kaligtasan at kahandaan sa kanilang barangay. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
24/7 EBD Health Emergency
Hotline : 0999-222-6626
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738











