- Home
-
About
- General Information
- City Profile
- City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
-
Tourism
- Tourist Spots
- Tourist Information
- CAREERS
- Contact Us
Food for Work Program, Ipinatupad sa Brgy. Calicanto
- Details
- Friday, 27 February 2026 - 3:18:52 PM
- Views: 431
TINGNI: Pinangunahan ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee (BDRRMC) ng Brgy. Calicanto ang malawakang paglilinis sa barangay sa ilalim ng Food for Work Program, Pebrero 24, 2026.
May pitumpu’t limang (75) residente mula sa apat (4) na purok ang nakiisa sa nasabing gawain, kasama ang mga kabilang sa bulnerableng sektor at mga naninirahan sa mga lugar na madalas bahain. Sama-samang nilang nilinis ang mga baradong kanal, creek, at iba pang daluyan ng tubig upang matiyak ang maayos na pagdaloy nito bilang paghahanda sa panahon ng tag-ulan.
Layunin din ng programa na hindi lamang mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran kundi higit ding mapalakas ang kahandaan ng komunidad laban sa posibleng pagbaha at iba pang sakuna.
Bilang pagkilala at pasasalamat sa kanilang partisipasyon at ambag sa komunidad, tumanggap ang mga residente ng Family Food Packs. Layunin naman ng inisyatibong ito na higit pang mahikayat ang mamamayan na makibahagi sa mga programang nagtataguyod ng kaligtasan at kaayusan.
Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat ang Batangas City DRRM Council sa BDRRMC ng Calicanto at sa lahat ng residenteng nakiisa sa programa - patunay ng kanilang pagkakaisa tungo sa isang malinis, ligtas, at disaster-resilient na komunidad. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
24/7 Mayor's Action Center
Hotline : 0999-222-6626
Mayor's Action Center : 786-1920
BFP Batangas City : (043) 425-7163
PNP Batangas City : 702-1974
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine
Red Cross: 0951-282-0000
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
















