- Home
-
About
- General Information
- City Profile
- City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Tourist Information
- CAREERS
- Contact Us
Batangas City, Mahigpit na Ipinatutupad ang Pagbabawal sa Banderitas at Lobo sa mga Pagdiriwang Alinsunod sa E-Code
- Details
- Tuesday, 05 May 2026 - 3:57:24 PM
- Views: 61
TINGNI: Simula pa noong 2018 ay ipinagbabawal na ng Pamahalaang Lungsod ng Batangas ang pagkakabit ng banderitas at paggamit ng mga lobo tuwing may okasyon sa mga barangay, alinsunod sa Environment Code (E-Code) Art. XII Section 78,84-85.
Kaugnay nito, patuloy ang paalala ng Office of the City Environment and Natural Resources Office (OCENRO) sa pamamagitan ng mga pagpupulong at regular na pagpapadala ng liham sa mga punong barangay at maging sa mga parokya upang matiyak ang mahigpit na pagsunod sa nasabing patakaran.
Ipinagbabawal ang paggamit ng banderitas, lobo, at iba pang katulad nito upang maiwasan ang pagdami ng basura na karaniwang napapabayaan matapos ang mga selebrasyon. Bukod sa nagdudulot ng kalat, ang mga ito ay maaaring mapunta sa mga daluyan ng tubig at kanal na nagiging sanhi ng pagbabara at pagbaha, gayundin ay banta sa kalikasan at mga hayop.
Bilang alternatibo, hinihikayat ang paggamit ng mga makukulay na bandilang yari sa tela na maaaring magamit nang paulit-ulit at ilagay sa gilid ng mga kalsada. Sa ganitong paraan, napapanatili ang kasiyahan ng pagdiriwang habang isinusulong ang pangangalaga sa kapaligiran at pagbabawas ng basura.
Para sa iba pang impormasyon, makipag-ugnayan sa OCENRO - 723 8844 (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
24/7 EBD Health Emergency
Hotline : 0999-222-6626
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738







