- Home
-
About
- General Information
- City Profile
- City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
-
Tourism
- Tourist Spots
- Tourist Information
- CAREERS
- Contact Us
DepEd Batangas City Ipinabatid sa mga Stakeholder ang Three-Term School Calendar at Mahahalagang Reporma para sa SY 2026–2027
- Details
- Thursday, 11 June 2026 - 4:18:53 PM
- Views: 308
TINGNI: Ipinabatid ng DepEd Batangas City ang mga pagbabago para sa School Year 2026–2027, kabilang ang pagpapatupad ng three-term school calendar alinsunod sa DepEd Order No. 09, s. 2026 sa isang pagpupulong para sa mga stakeholder at departamento ng pamahalaang lungsod, June 9.
Ayon kay City Schools Division Superintendent (SDS) Dr. Hermogenes Panganiban, pinalitan ng tatlong termino ang dating apat na quarter na sistema.
Layunin nitong pahusayin ang paggamit ng oras sa pagtuturo at pagkatuto, mabawasan ang mga pagkaantalang nakaaapekto sa pag-aaral at palakasin ang learning delivery at kalidad ng basic education.
Opisyal na nagsimula ang school year noong Hunyo 8 at magtatapos sa Abril 8, 2027 na may kabuuang 201 araw ng pagtuturo.
Ang Term 1 ay mula Hunyo 8 hanggang Setyembre 15, 2026, ang Term 2 ay mula Setyembre 16 hanggang Disyembre 18, 2026 at ang Term 3 naman ay mula Enero 4 hanggang Abril 8, 2027.
Ang mga bagong bahagi ng school calendar ay Opening Block para sa learner profiling, assessment, at paghahanda ng paaralan; Instructional Block o tuloy-tuloy na pagtuturo at pagkatuto; at End-of-Term Block para sa academic interventions, paglalagom ng pagkatuto, at professional development ng mga guro.
May mga nakatakdang break sa pagitan ng mga termino upang mabigyan ng panahon ang mga guro para sa lesson planning, assessment, at iba pang propesyonal na gawain.
Ang mga pampublikong paaralan ay obligadong sumunod sa three-term calendar habang ang mga pribadong paaralan naman ay maaaring magpatupad ng sariling academic calendar basta sumusunod sa kurikulum at kinakailangang bilang ng school days.
Bukod dito, ipinabatid din sa naturang orientation ang revised guidelines on classroom assessment at grading system gayundin ang bagong guidelines para sa class suspension at pagpapatuloy ng pag-aaral tuwing may kalamidad o emergency.
Maaaring magpatupad ang mga school head ng mas target na suspensyon ng klase depende sa sitwasyon sa kanilang komunidad.
Magkakaroon ng apat na antas ng Learning Continuity Framework na kinabibilangan ng Hayo o tuloy ang regular na face-to-face classes; Hinay o mas mabagal at flexible na pag-aaral; Hinga o bawas ang academic requirements para unahin ang kapakanan ng mga mag-aaral; at Hinto o pansamantalang pagsuspinde ng klase kapag nanganganib ang kaligtasan at pangunahing pangangailangan ng mga estudyante.
Isasama na ang Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) sa mga aralin at kurikulum upang mas maging handa ang mga mag-aaral sa mga sakuna at kalamidad.
Binigyang-diin ni Dr. Panganiban na ang mga pagbabagong ito ay bahagi ng mas malawak na reporma ng DepEd upang mapahusay ang kalidad, pagiging epektibo, at katatagan ng edukasyon sa harap ng iba't ibang hamon.
Nakiisa din sa nasabing orientation si CDRRM Officer Rod Dela Roca, kinatawan ng Batangas Component City Police Station (BCCPS), BSP at GSP Batangas City at iba't-ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
24/7 Mayor's Action Center
Hotline : 0999-222-6626
Mayor's Action Center : 786-1920
BFP Batangas City : (043) 425-7163
PNP Batangas City : 702-1974
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine
Red Cross: 0951-282-0000
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738




















