FSInsp. Mark Anthony Manarin, Itinalagang Acting Fire Marshal ng BFP Batangas City

01.jpg

TINGNI: Ipinakilala ni City Administrator Engr. Sonny Godoy si FSInsp. Mark Anthony Manarin bilang bagong Acting Fire Marshal ng Bureau of Fire Protection (BFP) Batangas City matapos ang seremonya ng pagtataas ng watawat, Agosto 3.

Si Manarin, 31 taong gulang at tubong Laguna, ay nagsilbi na sa iba't ibang himpilan ng BFP sa Laguna, Rosario (Cavite), Tanay (Rizal), Calaca City, at Lemery bago italaga sa Batangas City.

Aminado siyang na-overwhelm sa kanyang bagong tungkulin dahil ang Batangas City ay isa sa may pinakamalaking populasyon sa CALABARZON.

Gayunman, tiniyak niyang paiigtingin ang pagpapatupad ng mga programa sa fire safety at mahigpit na ipatutupad ang zero tolerance policy laban sa katiwalian sa lahat ng transaksyon ng kanilang tanggapan.

Pinalitan ni Manarin si dating BFP Batangas City Chief FSInsp. Adrian Dela Cruz.

Mainit siyang tinanggap nina Mayor Marvey Mariño, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, at mga pinuno ng iba't ibang departamento ng lokal na pamahalaan.

Ayon kay Manarin, sa kasalukuyan ay may 65 fire personnel ang BFP Batangas City na nakatalaga sa apat na substations at isang central station.

Mayroon din silang pitong fire truck at isang ambulansya na ginagamit sa pagtugon sa mga emergency. (PIO Batangas City)