Ligtas Tigdas 2026, Nagsimula Na

01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg 05.jpg 06.jpg 07.jpg 08.jpg 09.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg

TINGNI: Umarangkada na ang Ligtas Tigdas 2026 Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity ng Department of Health (DOH) na naglalayong maprotektahan ang mga batang edad 6 hanggang 59 buwan o bago maglimang taong gulang laban sa tigdas at rubella, Agosto 10.

Pinangasiwaan ng mga kawani ng City Health Office (CHO) ang pagbibigay ng bakuna gayundin ang pagsasagawa ng Vitamin A Supplemental Immunization para sa mga kwalipikadong bata.

Ang tigdas ay nakamamatay at ang rubella naman ay maaaring magdulot ng congenital defects sa mga sanggol na maaaring humantong sa panghabambuhay na kapansanan.

Ang naturang bakuna ay libre, ligtas at epektibong paraan upang maprotektahan ang mga bata laban sa mga sakit na nabanggit.

Magpapatuloy ang programa hanggang August 20 upang matiyak na mas maraming bata ang mabibigyan ng proteksyon laban sa tigdas at rubella.

Hinihikayat ang mga magulang na dalhin ang kanilang mga anak sa pinakamalapit na Rural Health Unit o Health Center para sa libre at ligtas na Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity. (PIO Batangas City)