- Home
-
About
- General Information
- City Profile
- City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
-
Tourism
- Tourist Spots
- Tourist Information
- CAREERS
- Contact Us
Project HOPE, Pinalalakas ang Sistema ng Suporta sa Mental Health sa Batangas City
- Details
- Thursday, 13 August 2026 - 11:53:32 AM
- Views: 162
TINGNI: Maraming indibidwal at pamilya ang nakararanas ng emosyonal na pagkabalisa na maaaring dulot ng iba’t ibang personal, sosyal, ekonomiko, at pampamilyang suliranin.
Subalit, marami sa mga alalahaning ito ang hindi agad natutugunan dahil sa stigma, kakulangan ng kaalaman, at limitadong access sa mga naaangkop na serbisyo at suporta.
Bilang tugon sa pangangailangang ito, ipinag-utos ni Mayor Marvey Mariño ang higit pang pagpapalakas ng pagtugon ng pamahalaang lungsod sa mga usaping may kaugnayan sa mental health at kinikilala na ang pagtataguyod ng emosyonal na kagalingan ay hindi lamang responsibilidad ng mga propesyonal sa kalusugan kundi isang sama-samang pananagutan ng komunidad.
Kaugnay nito, inaprubahan ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ang PROJECT HOPE (Holistic Outreach for Prevention and Emotional Wellness), isang sistema ng suporta para sa referral, outreach, at pagtataguyod ng emosyonal na kagalingan sa buong lungsod.
Layon ng Project HOPE na iniakda ni Coun. Claudette Ambida na magbigay ng accessible at koordinadong mekanismo kung saan ang mga indibidwal na nakararanas ng emosyonal o psychosocial difficulties ay maaaring matukoy, mabigyan ng naaangkop na paunang suporta, mai-refer sa mga kwalipikadong propesyonal, at masubaybayan para sa kinakailangang follow-through.
Sa ilalim ng programa, ang Mayor’s Action Center (MAC) ang magsisilbing coordinating office para sa Psychosocial Support and Mental Health Referral System.
Ang Office of the City Health Officer (OCHO) naman ang magbibigay ng technical assistance at mangunguna sa paghahatid ng mental health at psychosocial support services, habang ang Office of the City Social Welfare and Development Officer (OCSWDO) ang magsisilbing pangunahing tanggapan para sa mga usaping may kinalaman sa social welfare at community-based support ng Project HOPE.
Alinsunod sa mga umiiral na batas, tuntunin, at regulasyon, maaari ring kumuha ang pamahalaang lungsod ng mga accredited third-party service provider upang higit na mapahusay ang pagpapatupad ng programa.
Isasagawa ang Project HOPE alinsunod sa mga naaangkop na batas at patakaran hinggil sa confidentiality, data privacy, at wastong pangangasiwa ng sensitibong personal na impormasyon.
Sa pamamagitan ng Project HOPE, inaasahang higit na mapangangalagaan ang emosyonal at sikolohikal na kalusugan ng mga Batangueño, kasabay ng patuloy na pagpapaigting ng mga serbisyong pang-emergency ng lokal na pamahalaan tungo sa isang mas ligtas, mas maalaga, at mas matatag na lungsod. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
24/7 Mayor's Action Center
Hotline : 0999-222-6626
Mayor's Action Center : 786-1920
BFP Batangas City : (043) 425-7163
PNP Batangas City : 702-1974
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine
Red Cross: 0951-282-0000
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738









