91 Pamilya sa Barangay Santa Clara, Nakatanggap ng Bigas sa “Trash to Bigas” Program

01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg 05.jpg 06.jpg 07.jpg 08.jpg 09.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 20.jpg 21.jpg 22.jpg 23.jpg 24.jpg 25.jpg 26.jpg 27.jpg 28.jpg 29.jpg 30.jpg 31.jpg 32.jpg

TINGNI: May 91 pamilya ang nakatanggap ng bigas kapalit ng kanilang mga naipong recyclable materials sa isinagawang “Trash to Bigas” program sa barangay Santa Clara noong Agosto 11.

Bahagi ito ng patuloy na inisyatiba ng pamahalaang lungsod, sa pangunguna ng Office of the City Environment and Natural Resources Office (OCENRO), upang mapalakas ang kamalayan ng mga residente sa tamang paghihiwalay at pagre-recycle ng basura.

Sa isinagawang collection, nakalikom ng 70.8 kilo ng papel, 890.35 kilo ng plastik, 114.3 kilo ng bubog, at 348.8 kilo ng metal.

Nakolekta rin ang 1,293 piraso ng gin bilog at kwatro bottles, gayundin ang anim na piraso ng automotive battery na nakalaan para sa wastong disposal.

Pinakamalaki ang naging rice exchange ni Christy Marie Bañago, na nakapagpalit ng kaniyang mga recyclable materials para sa 91.9 kilo ng bigas.

Sa kabuuan, 1,024.11 kilo ng bigas o 40 sako at karagdagang 24.11 kilo ang naipamahagi sa mga residenteng lumahok.

Layunin ng naturang programa na mabawasan ang basurang napupunta sa tambakan at mahikayat ang bawat pamilya na maging bahagi ng mga hakbang tungo sa mas maayos na pangangalaga sa kapaligiran. (PIO Batangas City)