- Home
-
About
- General Information
- City Profile
- City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
-
Tourism
- Tourist Spots
- Tourist Information
- CAREERS
- Contact Us
Mountain Bikes, Tulong sa Mas Mabilis na Serbisyo sa mga Barangay
- Details
- Wednesday, 26 August 2026 - 3:27:32 PM
- Views: 85
TINGNI: Tinugunan ni Mayor Marvey Mariño ang kahilingan ng mga Punong Barangay na mountain bike na magagamit sa kanilang paghahatid ng serbisyo.
Isa sa mga nakatanggap nito ay si Barangay Chairperson Elmer Abluan ng Barangay Domoclay.
Ayon sa kanya, gagamitin ng kanilang mga barangay tanod ang tatlong ipinagkaloob na mountain bike sa pagronda at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang lugar.
Mayroon silang 20 barangay tanod na naka-duty sa umaga at gabi at nagmomonitor sa apat na sitio upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng kanilang komunidad.
Binigyang-diin naman ni Barangay Chairperson Isagani Lontoc ng Barangay Talumpok Kanluran ang malaking katipidang dulot ng paggamit ng bisikleta sa kanilang mga operasyon.
Aniya, lubos silang naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng gasolina dahil tricycle ang karaniwan nilang ginagamit sa pagpapatrolya.
Malaking tulong, aniya, ang dalawang mountain bike na ipinagkaloob sa kanila noong Mayo, na ginagamit sa pagdadala ng mga liham at pagbibigay ng mga abiso sa mga residente sa kanilang 13 sitio.
Tulad ng Bike-to-Work Program ng lokal na pamahalaan para sa mga empleyado nito, layunin din ng pamamahagi ng mga mountain bike na makatulong sa pagtitipid sa gastusin at maisulong ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan sa pamamagitan ng pagbibisikleta.
Mahigit 100 bisikleta ang ipinagkaloob ni Mayor Marvey Mariño sa mga chairperson ng iba't-ibang barangay sa lungsod bilang tugon sa kanilang mga pangangailangan at upang makatulong sa mas mabilis at epektibong paghahatid ng serbisyo sa kani-kanilang komunidad. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
24/7 Mayor's Action Center
Hotline : 0999-222-6626
Mayor's Action Center : 786-1920
BFP Batangas City : (043) 425-7163
PNP Batangas City : 702-1974
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine
Red Cross: 0951-282-0000
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738












