1,600 Kawani, Nagsanib-Puwersa sa Makulay na Color Fun Run 2026

01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg 05.jpg 06.jpg 07.jpg 08.jpg 09.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 20.jpg 21.jpg 22.jpg 23.jpg 24.jpg 25.jpg 26.jpg 27.jpg 28.jpg 29.jpg 30.jpg 31.jpg 32.jpg 33.jpg 34.jpg 35.jpg 36.jpg 37.jpg 38.jpg 39.jpg 40.jpg 41.jpg 42.jpg 43.jpg 44.jpg 45.jpg

TINGNI: Nagsanib-puwersa ang 1,600 kawani ng pamahalaang panlalawigan at pamahalaang lungsod ng Batangas sa Color Fun Run 2026 bilang pagsisimula ng pagdiriwang ng 126th Philippine Civil Service Anniversary, Setyembre 1.

Nagsimula ang fun run sa Batangas City Track Oval at nagtapos sa Batangas Capitol Grounds.

Lumahok sa naturang aktibidad sina Governor Vilma Santos-Recto, Mayor Marvey Mariño, mga City Councilor, at mga pinuno ng iba’t ibang departamento ng provincial at city government gayundin ang mga kawani ng ibat-ibang tanggapan at ahensya ng pamahalaan.

Bukod sa Zumba dance, higit na naging masaya at makulay ang aktibidad dahil sa water cannon, color spray, at bubble foam na nagpasigla sa mga kalahok.

Naghandog din ng intermission number ang SINAG Theater Group ng pamahalaang lungsod at Batangas Provincial Chorale Group.

Layunin ng Color Fun Run na hikayatin ang mga kawani na makilahok sa mga gawaing nagtataguyod ng malusog at aktibong pamumuhay at pagpapanatili ng malakas at matibay na pangangatawan.

Samantala, itinanghal na kampeon sa 3K category si Ganny Lou Coloma ng Philippine Air Force (PAF) na nagkamit ng ₱10,000, certificate at medal, 2nd place si Earl Malibiran ng PNP (silver medal) at 3rd place naman si Sherwin Patron ng PAF (bronze medal).

Ayon kay Mayor Marvey, kinikilala ng lokal na pamahalaan ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga kawani ng pamahalaan sa patuloy na pag-unlad ng pamayanan.

Nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat ang Provincial Civil Service Field Director Rowena Cunanan sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa naturang proyekto.

“Takbo Para sa Matatag na Serbisyo, Lingkod Bayani Run 2026: Stride as One, Serve the Nation” ang tema ng Color Fun Run 2026. (PIO Batangas City)