Batas at Talino Employee Quiz Bee, Isinagawa Bilang Bahagi ng 126th Philippine Civil Service Anniversary

01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg 05.jpg 06.jpg 07.jpg 08.jpg 09.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 20.jpg 21.jpg

TINGNI: Naging bahagi ng paggunita ng pamahalaang lungsod sa 126th Philippine Civil Service Anniversary (PCSA) ang Batas at Talino Employee Quiz Bee na isinagawa ng Office of the Human Resource Management Officer (OHRMO) noong Setyembre 10.

Tinanghal na kampeon ang grupo mula sa Office of the City Disaster Risk Reduction and Management Officer (OCDRRMO) na nagkamit ng ₱15,000 cash prize, plaque at medals.

Ikalawang pwesto naman ang Office of the City General Services Officer (OCGSO) na tumanggap ng ₱10,000 cash prize, plaque at medals, habang ikatlong pwesto ang Office of the City Market Administrator (OCMA) na nag-uwi ng ₱5,000 cash prize, plaque at medals.

Kasabay ng awarding matapos ang regular na flag ceremony, ipinagkaloob din ang mga medalya at cash prize sa Top 10 winners ng Color Fun Run na isinagawa noong Setyembre 1.

Nanguna sa Female Category si Christine Marie Solomon ng Office of the City Treasurer, habang sa Male Category naman ay si Banesto Hidalgo ng Office of the Sangguniang Panlungsod.

Kapwa sila tumanggap ng ₱15,000 cash prize at medal. (PIO Batangas City)