Mayor Marvey Mariño, Kinilala ng BJMPRO-CALABARZON sa Patuloy na Suporta sa mga PDL sa Lungsod

01.jpg 02.jpg

TINGNI: Ginawaran ng Bureau of Jail Management and Penology Regional Office-CALABARZON (BJMPRO-CALABARZON) ng Plaque of Appreciation si Mayor Marvey Mariño bilang pagkilala sa kanyang patuloy na suporta na nakatulong sa pagtupad ng mandato ng BJMP na tiyakin ang makataong pangangalaga at pagbibigay ng mga developmental opportunities para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa lungsod.

Ang naturang pagkilala ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-35 Anibersaryo ng BJMPRO-CALABARZON, na may temang “BJMP@35: Disiplina at Responsibilidad, Sandigan sa Serbisyong may Kredibilidad”.

Iniabot nina Male Dormitory City Warden Jail Superintendent Darwin Motilla at Acting Warden ng Female Dormitory Senior Jail Officer Maricel Pedro ang plake pagkatapos ng flag ceremony ngayong umaga. (PIO Batangas City)