27 High-Risk Barangay sa Batangas City, Sumailalim sa CCCM Monitoring and Evaluation

01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg 05.jpg 06.jpg 07.jpg 08.jpg 09.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 20.jpg 21.jpg 22.jpg

TINGNI: Dalawampu’t pitong barangay sa Batangas City na kabilang sa mga high-risk areas ang sumailalim sa Camp Coordination and Camp Management o CCCM Monitoring and Evaluation, na isinagawa ng Office of the City Social Welfare and Development Officer o OCSWDO kamakailan.

Layunin nitong masuri at mapalakas ang kahandaan at koordinasyon ng mga barangay sa pamamahala ng evacuation centers at pagtugon sa mga residenteng napipilitang lumikas tuwing may kalamidad.

Kinilala bilang Top Performing Camp Management Teams ang Barangay Libjo at Barangay Pallocan West, habang itinanghal naman ang Barangay Libjo bilang Top Performing Barangay in DROMIC Reporting dahil sa maayos at maagap na pagsusumite ng disaster response reports.

Bahagi ito ng patuloy na hakbang ng lungsod upang mapabuti ang disaster response at matiyak ang maayos na serbisyo at proteksyon sa mga internally displaced persons o IDPs. (PIO Batangas City)