Office of the City Veterinarian, Pinalakas ang Kaalaman ng mga BLATs Kontra Rabies

01.jpg 02.jpg 03.jpg

TINGNI: Bilang pakikiisa sa World Rabies Day, nagsagawa ang Office of the City Veterinarian ng seminar para sa mga Barangay Livestock and Agricultural Technicians o BLATs tungkol sa rabies prevention.

Layunin nitong dagdagan ang kaalaman ng mga kalahok upang makatulong sa pagpapanatiling rabies-free ng Lungsod ng Batangas.

Tinalakay dito ang kahalagahan ng tamang pag-aalaga sa mga aso at pusa, agarang pagre-report ng mga hayop na may sintomas ng rabies, at iba pang paraan upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Patuloy din ang kanilang pagkakaloob ng anti-rabies vaccination para sa mga aso at pusang tatlong buwan pataas. (PIO Batangas City)