- Home
-
About
- General Information
- City Profile
- City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
-
Tourism
- Tourist Spots
- Tourist Information
- CAREERS
- Contact Us
“Batang Bakunado, Protektado”: OCHO Nagsagawa ng Kauna-unahang Search for Fully Immunized Chikiting
- Details
- Thursday, 08 October 2026 - 3:05:47 PM
- Views: 58
TINGNI: Prayoridad ng pamahalaang lungsod ang kalusugan ng mga Batangueño kaya’t pagkapanganak pa lamang ay tinututukan na ang kanilang kalusugan.
Dahil dito, isinusulong ng Office of the City Health Officer o OCHO ang pagiging Fully Immunized Child o FIC, o ang pagkakaroon ng kumpletong bakuna bago sumapit ang isang taong gulang.
Kabilang sa mga bakunang kailangan ng mga sanggol ang BCG, Hepatitis B, Pentavalent, MMR at OPV, na nagsisilbing proteksyon laban sa iba’t ibang nakahahawa at malulubhang sakit.
Kaugnay nito, nagsagawa ang OCHO ng kauna-unahang Search for Fully Immunized Chikiting – Batang Bakunado, Protektado, na nilahukan ng 22 fully immunized babies mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod.
Nagkamit ng unang pwesto ang one-year-old na si Ateena Delas Alas ng barangay Alangilan, 2nd place si Rogelio Buenafe VI ng barangay Pobalcion 1 habang ikatlong pwesto naman ang kinatawan din ng barangay Alangilan na si Kaino Carson Aldover.
Nagpasalamat naman si Mommy Christelle Aldover dahil lahat ng kanyang tatlong anak ay nakatanggap ng libreng bakuna mula sa lokal na pamahalaan.
Ayon sa kanya, malaking tulong ang kumpletong bakuna upang mapanatiling malakas ang resistensya ng kanyang mga anak.
Bukod sa patimpalak, namahagi rin ng mga regalo sa lahat ng kalahok at nagsagawa ng lecture hinggil sa National Immunization Program o NIP. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
24/7 Mayor's Action Center
Hotline : 0999-222-6626
Mayor's Action Center : 786-1920
BFP Batangas City : (043) 425-7163
PNP Batangas City : 702-1974
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine
Red Cross: 0951-282-0000
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738

























