₱240K Cash Grant, Ipinagkaloob sa Horizon Entrepreneurs Association sa Ilalim ng DSWD-SLP

01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg

TINGNI: ₱240,000 cash grant ang halagang ipinagkaloob ni Mayor Marvey Mariño sa Horizon Entrepreneurs Association mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region IV-A sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program o SLP.

Magsisilbing panimulang kapital ang pondo para sa kanilang fish processing business, na layong mapalago ang negosyo at mapatatag ang kabuhayan ng mga miyembro.

Regular namang imo-monitor ng Office of the City Social Welfare and Development Officer (OCSWDO) ang paggamit ng pondo at operasyon ng negosyo upang matiyak ang maayos na pamamahala nito.

Hinimok ni Mayor Marvey ang mga benepisyaryo na gamitin nang wasto ang cash grant at sikaping mapalago ito para sa pangmatagalang kabuhayan. (PIO Batangas City)