- Home
-
About
- General Information
- City Profile
- City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
-
Tourism
- Tourist Spots
- Tourist Information
- CAREERS
- Contact Us
Mayor’s Cup 2026, Muling Umarangkada
- Details
- Tuesday, 13 October 2026 - 2:08:08 PM
- Views: 104
TINGNI: Tinatayang 1,000 atleta sa lungsod ang lumahok sa ikalawang yugto ng Mayor’s Cup 2026, October 10.
Bilang bahagi ng bagong format nito, nagdaos ang Batangas City Sports Council ng isang araw na paligsahan sa 10 larangan ng palakasan, kabilang ang boxing, billiards, darts, sepak takraw, lawn tennis, chess, swimming, karate, table tennis, at pickleball.
Ayon kay Sports Council Head Oliver Macatangay, layunin ng paligsahan na maipagpatuloy ang mga sports events kahit tag-ulan at makatuklas ng mga atletang maaaring sanayin para sa mga pambansa at pandaigdigang kompetisyon.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Marvey Mariño ang kahalagahan ng sports sa paghubog ng disiplina, pagtutulungan, at sportsmanship ng mga kabataan.
Aniya ito ay magiging annual sports activity na dahil matagal na niyang pangarap ang pagkakaroon ng ganitong mga events sa lungsod. Inilahad din ni Mayor ang planong mas lalong palakasin ang sports tourism at dagdagan ang mga sports facilities na magagamit ng mga manlalaro ng libre at walang bayad.
Pagkatapos ng opening ceremony, agad na nagsimula ang mga kompetisyon sa iba’t ibang venue. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
24/7 Mayor's Action Center
Hotline : 0999-222-6626
Mayor's Action Center : 786-1920
BFP Batangas City : (043) 425-7163
PNP Batangas City : 702-1974
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine
Red Cross: 0951-282-0000
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
























