Food Bazaar at Pampamilyang Aktibidad, Tampok sa Calumpang River Summit 2026

01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg 05.jpg 06.jpg 07.jpg 08.jpg 09.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg

TINGNI: Tampok ang food bazaar at iba’t ibang pampamilyang aktibidad sa tatlong araw na Calumpang River Summit 2026 sa ilalim ng Calumpang Bridge.

May humigit-kumulang 20 stalls na nag-aalok ng mga pagkaing Batangueño at street food, gayundin ng carnival inflatables na kinagiliwan ng mga bata.

Nagbigay-sigla sa unang gabi ang pagtatanghal ng mga busker, habang film showing naman ang inihanda sa ikalawang gabi.

Personal namang binisita ni Mayor Marvey Mariño ang lugar upang tiyakin ang kaayusan ng mga aktibidad at masiguro ang magandang karanasan ng mga dumalo.

Bilang panghuling bahagi ng summit sa Oktubre 30, nakatakda ang Youth Forum sa umaga at fireworks display naman sa gabi. (PIO Batangas City)