- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Alay sa Sto Nino Cultural Presentations 2016
- Details
- Thursday, 07 January 2016 - 12:00:00 AM
Muling nagpakita ng iba’t ibang performances ang mga paaralan sa isinagawang Alay sa Sto Nino Cultural Presentations sa Batangas City Convention Center noong ika-7 ng Enero.
Sinimulan ang naturang okasyon sa pamamagitan ng pagtugtog ng Casa del Bambino Emmanuel Montessori Rondalla. Sinundan ito ng isang sayaw mula sa mga ballerina ng Scoula Maria na dumadakila sa Sto Nino bilang kanlungan sa mga unos ng buhay.
Ipinakita naman ng mga mag-aaral ng BANAHIS at Golden Gate Colleges ang kanilang angking husay sa modern dance.
Sa pamamagitan ng isang awit ay ipinakita ng estudyante ng Divine Child Academy ang angking galing sa pagkanta. Hindi rin nagpahuli ang mga mag-aaral ng Colegio ng Lungsod ng Batangas na nagpakita ng natatanging bilang hinggil sa pangangalaga sa kapaligiran.
Isang makabagong sayaw din ang itinanghal ng mga estudyante ng Westmead International School at ng Lyceum of the Philippines University Batangas Dance Machine.
Lumitaw ang galing ng UB Dance Company ng University of Batangas sa contemporary dance habang ang Batangas State University Dance Company naman ay sa jazz-hip hop.
Ang mga katutubong sayaw naman ang itinanghal ng mga mag-aaral ng Marian Learning Center and Science Highschool bilang pasasalamat kay Santa Maria na isang ina na nangangalaga at nagmamahal sa ating mga Batangueno at ng Indak Bambino bilang pasasalamat sa pagiging ilaw ng Poong Sto Nino sa landas tungo sa daang matuwid na nais nilang tahakin.
Musical-drama ang itinanghal ng Cristo Rey Institute for Career Development na nagpapasalamat sa Sto Nino dahilan sa ito ang nagsisilbing bigkis na nagbubuklod sa mga mamamayan ng lungsod.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.