- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Sto Niño ng Batangan Fluvial Procession 2016
- Details
- Thursday, 07 January 2016 - 12:00:00 AM
Masasabing isa ang fluvial procession ng Sto. Nino sa Calumpang River sa pinakamagandang religious activities na idinadaos tuwing kanyang kapistahan sa Batangas City sapagkat ipinakikita sa isang espesyal na paraan ang malaking pananampalataya ng mga deboto sa Mahal na Patron.
Noong ika-7 ng Enero, bandang ala una ng hapon nang sunduin ang imahe ng Sto. Niño sa Basilica of the Immaculate Conception ng ilang mga city officials . Dinala ito ng motorcade patungong Batangas City Convention Center kasama si Father Aurelio Dimaapi, parish priest ng Basilica, at iba pang lay ministers.
Nagdaos ng Alay sa Sto. Niño Cultural Presentations sa Batangas City Convention Center kung saan nagtanghal ng production numbers ang 10 lumahok na paaralan.
Ang mga ito ay ang Lyceum of the Philippines University-Batangas, Casa Del Bambino Emmanuel Montessori, University of Batangas, Saint Bridget College, Golden Gate Colleges, Batangas State University, Scuola Maria, Westmead International School, Divine Child Academy, BANAHIS, Marian Learning Center and Science Highschool, Cristo Rey Institute for Career Development at Colegio ng Lungsod ng Batangas.
Tema ng okasyon ang :”Salamat Sto Nino, sa patuloy na paggabay sa aming mga
Pagkatapos ng cultural presentations, ipinagpatuloy ang motorcade ng Sto. Nino papuntang Barangay Wawa kung saan isinakay ang imahe sa “decorated banca” kasama sina Mayor Dimacuha, dating Mayor Vilma Dimacuha at ilang mga city officials at department heads.
Sa buong panahon ng fluvial procession, patuloy ang pagdadasal ng dalit sa Mahal na Patrong Sto Nino.
Matiyaga namang naghintay ang maraming deboto sa tulay ng Calumpang sa pagdating ng grupo nina Mayor Dimacuha.
Sa pagsapit ng takipsilim, magandang tanawin ang Calumpang River habang dumadating ang prusisyon ng mga bangka na sinalubong ng mga fireworks.
Matapos umahon ang grupo ni Mayor Dimacuha sa Calumpang bridge, sinimulan naman ang prusisyon patungong simbahan. Makikita ang iba’t ibang imahen ng Sto. Niño sa labas ng mga bahay sa poblacion habang dumadaan ang prusisyon. Pagdating ng simbahan, muling sinalubong ang prusisyon ng isang magarbong fireworks na tumagal ng may 20 minuto at nagbigay kasiyahan sa mga tao.
Nagtapos ang religious activity sa pamamagitan ng isang Banal na Misa na pinangunahan ni Msgr. Fred Madlangbayan na dating parish priest ng Basilica of the Immaculate Conception.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.