- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- CAREERS
- Contact Us
New Batangas City Police Chief, Police Supt. Danilo Mendoza
- Details
- Tuesday, 12 January 2016 - 12:00:00 AM
- Views: 3524
Sa kanyang muling pagbabalik, ganap ng hepe ng Batangas City Police si Police Supt. Danilo Mendoza ng siya ay umupo noong gabi ng January 9, ilang oras bago ipatupad ang ban ng Commission on Elections sa transfer o movement ng mga officers at employees sa civil service tuwing election period.
Si Mendoza ay naging officer-in-charge sa lungsod noong June 15-August 15, 2015 subalit ito ay naudlot ng masuspinde siya ng 40 days dahilan sa kasong murder na isinampa sa kanya ng NBI at CIDG. Ito ay dahilan sa pagkakadawit sa kanya sa pagkakapatay sa dalawang lider ng Ozamis organized group na sangkot sa mga bank robberies, illegal drugs at iba pang krimen. Dahilan sa “lack of sufficient evidence” na dismiss ng San Pedro , Laguna Prosecutor’s Office ang kaso sa kanya pagkatapos ng 16 months. Sunod siyang naging acting police superintendent ng Tanauan City.
Sa pagpapakilala sa kanya matapos ang flag ceremony ng mga kawani ng pamahalaang lungsod noong Lunes, January 11, sinabi ni Mendoza na nais niya na ang kapulisan ay “ maging masipag, disiplinado, may paggalang sa taong bayan na pinaglilingkuran, madaling lapitan at mabilis rumesponde sa krimen.”
Para sa kanya, dapat siyang maging mahigpit at magpakita ng magandang ehemplo upang magtrabaho ng maayos ang mga pulis. “Dapat ding lagi silang naka uniporme sa kanilang duty,” dagdag pa ni Mendoza.
Nais niya na bigyang pansin din ang spiritual renewal ng mga pulis sapagkat ang kanyang tungkulin aniya ay hindi lamang para sa taong bayan kundi sa Panginoon.
Patuloy niyang tututukan ang kriminalidad at illegal drugs na ayon sa kanya ay “manageable” pa naman sa lungsod. Magsasagawa rin ng symposium sa mga barangay officials kung saan sila ay tuturuan kung papaano agad aarestuhin ang mga suspek sa krimen. Palalawakin din ang outreach program kagaya ng feeding project upang mailapit ang kapulisan sa komunidad.

Emergency Hotlines
24/7 EBD Health Emergency
Hotline : 0999-222-6626
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738








