Mga city government employees lumahok sa Brigada Eskwela 2016

92-Brigada-Eskwela-2016-10.jpg 92-Brigada-Eskwela-2016-11.jpg 92-Brigada-Eskwela-2016-12.jpg 92-Brigada-Eskwela-2016-13.jpg 92-Brigada-Eskwela-2016-2.jpg 92-Brigada-Eskwela-2016-2C.jpg 92-Brigada-Eskwela-2016-2D.jpg 92-Brigada-Eskwela-2016-2a.jpg 92-Brigada-Eskwela-2016-2b.jpg 92-Brigada-Eskwela-2016-3.jpg 92-Brigada-Eskwela-2016-4.jpg 92-Brigada-Eskwela-2016-5.jpg 92-Brigada-Eskwela-2016-6.jpg 92-Brigada-Eskwela-2016-7.jpg 92-Brigada-Eskwela-2016-8.jpg 92-Brigada-Eskwela-2016-9.jpg 92-Brigada-Eskwela-2016.jpg

Mula 6:00 -8:00 ng umaga, naglinis sa paligid ng Batangas National High School(BNHS) ang mga empleyado ng ilang mga opisina ng pamahalaang lungsod dala ang kanilang mga walis, basahan at garbage bags bilang pakikiisa sa isang linggong Brigada Eskwela na nagsimula kahapon, Lunes sa may walong paaralan.

Ang tema ng gawaing ito ay “Tayo para sa Paaralang Ligtas, Maayos at Handa mula Kindergarten hanggang Senior High School”. Bawat araw hanggang Biyernes, may nakatalagang mga opisina ng pamahalaang lungsod na tutulong sa Brigada Eskwela.

Alinsunod sa DepEd Memorandum No. 35 s. 2016, Iba’t ibang sektor ang iniimbitahan na lumahok sa gawaing ito kagaya ng grupo or indibidwal mula sa national government agencies, local government units, private sectors, international organizations, volunteers at iba pang interested parties.

Sinimulan ang Brigada Eskwela sa Batangas City East Elementary School, Julian A. Pastor Memorial Elementary School, Sta Clara Elem. School, BNHS, Sta Rita Karsada, ES, Alangilan ES, Kumintang Ibaba ES at Batangas City South ES kung saan tulong tulong ang mga guro at kawani ng DepEd, mga magulang, eskwela at mga volunteers sa pag-aayos, paglilinis at pagpapaganda ng mga paaralan . May mga nagpipintura ng silid-aralan, nagkukumpuni ng sirang kasangkapan, at naglilinis ng bakuran ng paaralan.

Ayon kay Rowena T. Asi, principal ng JAPMES, ang Brigada Eskwela ay isang halimbawa ng bayanihan spirit kung saan nagtutulungan ang isang komunidad sa paghahanda ng paaralan sa pagbubukas ng klase.

Nakiisa sa proyektong ito ang Team EBD sa pangunguna ni 5th district Congressman elect Marvey Marinio, Mayor- elect Beverly Dimacuha, 5th District Board Members Claudette Ambida, Bart Blanco at Councilors Karlos Buted at Aileen Montalbo. Nagbigay naman ang pamahalaan lungsod ng mga pintura sa mga paaralan na nabanggit. (PIO Batangas City)

 

 

Sa kanyang muling pagbabalik, ganap ng hepe ng Batangas City Police si Police Supt. Danilo Mendoza ng siya ay umupo noong gabi ng January 9, ilang oras bago ipatupad ang ban ng Commission on Elections sa transfer o movement ng mga officers at employees sa civil service tuwing election period.