- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Gagawing By-pass road magdudulot ng paglago ng ekonomiya
- Details
- Thursday, 06 April 2017 - 2:55:57 PM
Maaaring maging bagong growth area ng Batangas City ang mga lugar na dadaanan ng Star Tollway to Pinamucan Ibaba By-Pass Road Project.
Ito ang sinabi ni 5th District Congressman Marvey Marino sa mga dumalong barangay captains, non-government organizations at department heads sa City Development Council Full Council Meeting na ginanap kaninang umaga sa Teacher’s Conference Center.
Ayon kay Marino, tuloy na tuloy na ang naturang proyekto sa pakikipagtulungan ng city government at ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Aniya, sinagot na ng pamahalaang lungsod ang pagbili ng right of way upang mapabilis ang pagpapagawa nito. Bunga nito, maaari aniya siyang humingi ng mas malaking budget sa national government “para naman sa concreting ng karsada upang masiguro na matibay at maayos ang pagkakagawa ng by-pass road,” dagdag ni Marino.
“Malaki ang magiging epekto nito sa ekonomiya sa lungsod. Biruin nyo lahat ng mga nasa parte ng solid east hindi na dadaan sa lumang highway. Luluwag ang traffic na matagal nang idinadaing nating lahat. Malamang maraming investors ang sumugal sa mga areas na dadaanan ng by-pass road,” ani Marino.
Ayon naman kay City Planning and Development Officer Engr. Sonny Godoy, tapos na ang parcellary survey ng nasabing proyekto.
“Bukod sa right of way acquisition, kasama sa Phase 1 ang pagbubutas ng karsada mula sa Barangay Tinga Itaas, tatawid ng Calumpang River papuntang San Pedro, Dalig, Dumantay, Sampaga, Dumuclay, Sirang Lupa at lalabas sa Libjo. Ito ay may haba na 10.3 kilometers. Ang phase 2 naman ay mula sa Sirang Lupa, San Isidro, Mahabang Dahilig, Tabangao Ambulong, Tabangao Dao, Pinamucan Proper hanggang Pinamucan Ibaba. Ito ay may habang 8.4 kilometers,” ani Godoy.
Kapag naayos na ang right of way acquisition, ang Startollway to Pinamucan Ibaba By-Pass Road Project ay agad na sisimulan at inaasahang makukumpleto sa loob ng 2 taon. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.