- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Covered court sa Banaba West, Pinasinayaan
- Details
- Thursday, 20 April 2017 - 10:39:25 AM
Pinasinayaan kaninang umaga ang Multi- purpose Covered Court sa Barangay Banaba West na ipinangako ni Mayor Eddie Dimacuha sa mga residente nito na binigyang katuparan naman ni Mayor Beverley Dimacuha.
Pinangunahan nina Mayor Beverley Dimacuha, Congressman Marvey Mariño at Governor Dodo Mandanas ang ribbon-cutting ceremony ng nasabing proyekto.
Sinimulan ang konstruksyon nito noong Nobyembre 2016 at natapos noong Pebrero ng kasalukuyang taon. Ito ay tinayo sa mahigit 300 metro kwadradong lupa katabi ng Brgy. Hall at Day Care Center at may kumpletong ilaw at pasilidad ng isang basketball court.
Sinabi ni Mayor Dimacuha na bukod sa mga sports activities ay magamit din sana ang covered court sa iba pang okasyon ng barangay o bilang evacuation center sakaling kailanganin. Tiniyak rin ni Mayor Beverley na ipagpapatuloy ng kanyang administrasyon ang mga sinimulang programa ni Mayor Eddie Dimacuha ngunit hindi niya ito mapapagsabay sabay. Aniya ang kanyang pagiging mayor ay katulad ng isang ina na may 105 (barangay) anak na kailangan din pagbigyan ang mga kahilingan. “Mabuti na lang at katuwang ko si Cong. Marvey, pag di na kaya ng Mayor, ke Congressman natin hihingin at malakas ako sa kanya, “ sabi ni Mayor Dimacuha.
Sinagot naman ni Cong. Marvey Mariño ang pagpapapintura ng sahig ng covered court at ang mga referees para sa isasagawang liga ng barangay. Inilahad niyang muli ang proyektong magkatuwang nilang ipapagawa ni Mayor Dimacuha sa lungsod, tulad ng konstruksyon ng dalawang palapag na Public Library, Life Transformation Sanctuary (Rehabilitation Center) at iba pa.
Ipinaalam rin ni Gov. Mandanas ang ilan sa mga bagong proyekto ng kanyang administrasyon kagaya ng karagdagang benepisyo para sa mga Barangay Health Workers, Day care Workers, Barangay Tanod at iba pa. Laking pasalamat naman ni Brgy. Chairman Mina Lusanta sa mga opisyal dahil sa suporta ng mga ito sa kanilang barangay. (PIO Batangas City)
Latest News
- Fire Square Road Show, itinaguyod ng Bureau of Fire Protection (BFP) Batangas City
- Tinanghal na That's My Boy – Outstanding KAB Scout si Christian Kyle Guevarra ng District 6
- Shell Pilipinas Corporation culminated the rolling out of the Master of Disaster (MOD) program in Batangas City at the Schools Division Office (SDO) last September 6
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.