- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Dental Division ng CHO best performer sa region
- Details
- Friday, 24 November 2017 - 12:01:34 PM
BATANGAS CITY Tinanghal na Best Performer in Innovative Programs and Best Practices ang Dental Division ng City Health Office (CHO) sa Region IV-A sa kauna-unahang Oral Health Summit ng Department of Health (DOH). Ang awarding ay ginanap noong November 16 sa Heritage Hotel kung saan ipinagkaloob ng DOH Region IV ang plake at cash prize na P100,000 sa staff ng Dental Division sa pangunguna ni Dr. Lovely Cabral. Ang tema ng Oral Health Summit ay “Bridging the Gap and Building Healthy Communities Together.”
Ayon kay Dr Cabral, naging winning points nila ang mga innovations nila sa kanilang mga programa na wala sa ibang LGUs . Isa rito ay ang Buntis Card na sinimulan noong taong 2015 kung saan ang mga nagdadalantao na makakapagpa check up ng tatlong beses sa dentist sa panahon ng kanilang pagbubuntis ay binibigyan ng nasabing card upang maka avail ng libreng oral prophylaxis.
Sa pamamagitan ng proyektong Batang Ala Eh-Batang OK, sinisimulan sa mga daycare students ang pagtuturo ng oral health sa pamamagitan ng pagkakaroon ng toothbrushing drill sa mga bata. Ginagamit dito ang mga spit tray facilities na ipinagkakaloob ng CHO sa mga daycare centers. Binibigyan din ang mga bata ng libreng toothbrush at tooth paste.
Namimigay din sila ng mga oral health packages sa mga matatanda at diabetic patients. Malaking puntos din aniya ang ipinagkaloob sa kanilang pagbisita sa mga far flung barangays tulad ng Isla Verde kung saan iba’t ibang dental services ang ipinagkakaloob nila.
Ipinagmamalaki ng Dental Division ang kanilang makabagong kagamitan kung saan humigit kumulang sa 100 pasyente ang kanilang naseserbisyuhan sa isang araw. Lubos ang pasasalamat nila sa suportang ipinagkakaloob ni Mayor Beverley Rose Dimacuha upang maisagawa nila ang kanilang mga programa.
Ayon pa rin kay Dr. Cabral, siyam sa bawat 10 mamamayan ng Batangas City ang may sirang ngipin. Kailangan aniyang bigyan din nila ng prayoridad ang kanilang mga ngipin at iba pang aspeto ng oral health sapagkat ang problema dito ay pwedeng humantong sa iba’t ibang sakit. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.