- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Pagtatapon ng basura sa mga kanal iwasan
- Details
- Friday, 06 July 2018 - 4:12:06 PM
BATANGAS CITY-Nanawagan si City Engineer Adela Hernandez sa mga tao ng huwag magtapon ng basura sa mga kanal upang maiwasan ang pagbaha.
Sa kanyang report sa second quarterly meeting ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) noong June 27, 2018, bilang chairman ng Prevention and Mitigation Committee, sinabi niya na punong puno ng basura ang mga kanal at drainage tuwing sila ay magsasagawa ng clearing at declogging operation. Kailangan aniyang paigtingin ang solid waste management upang masolusyunan ang pagbabara ng mga basura sa kanal at drainage.
Ayon sa city engineer, sinisikap na mapaayos ang drainage systems sa lungsod kung kayat mayroong request ang city government para sa right of way sa Philippine Ports Authority (PPA) upang mai konekta ang ilang drainage systems sa kanilang outfall na inerereklamo ng management ng PPA na laging puno ng basura.
Tungkol sa road widening na isinasagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH), sinabi ni Hernandez na hindi maikonekta ng DPWH ang kanilang drainage system sa mga existing outfalls dahilan sa problema sa right of way sa barangay Alangilan. Gumawa rin ang DPWH ng drainage system sa barangay Sampaga subalit walang outfall na pwede nilang i konekta ito.
Pinuna rin ni Hernandez ang kakulangan ng inlets sa mga national roads kung saan dito pumapasok ang mga tubig ulan. Bukod sa regular ng paglilinis ng drainage at canal at dredging ng mga dinadaanan ng tubig kung saan ito ay ongoing mula Aquino road, Barangay 21 hanggang Sta. Clara, nagsasagawa rin sila ng trimming at pruning ng mga puno kasama ang ilang tauhan ng CDRRMO bilang bahagi ng disaster mitigation at prevention measures.
Ilan sa mga DERRM projects ang construction ng slope protection sa Sitio Bulihan, Tabangao Ambulong, construction ng drainage system sa Sitio Ibaba, Pallocan West, Sta. Rita Karsada at Access Road at construction ng slope protection sa Cumba. Kasama rin ang shelter assistance, relocation ng mga pamilyang nasa mapanganib na lugar at acquisition ng relocation site. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.