- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Ilang lot owners sa dadaanan ng ginagawang diversion road nabayaran na
- Details
- Tuesday, 02 October 2018 - 12:16:26 PM
May 15 na may ari ng ilang mga loteng dadaanan ng ginagawang STAR Tollway-Pinamucan Ibaba By-Pass Road project sa Batangas City ang nabayaran na ng pamahalaang lungsod ngayong October 2.
Ang mga lot owners na ito ay mula sa mga barangay ng Dumantay, San Pedro at Dalig.
Ayon sa isang lot owner na si Reynaldo Ramos, hindi siya nagdalawang-isip na ipagbenta ang kanyang lupang dadaanan ng by-pass road sapagkat bukod sa marami ang makikinabang sa proyekto, siguradong tataas ang value ng mga lupa sa mga karatig lugar nito.
“Nakatanggap po kami ng sulat mula sa city government at ipinatawag po kami ni Atty Teddy Deguito para sa isang pagpupulong. Ipinaliwanag po nya sa amin kung ano ang proyekto at kung hanggang saan ito aabutin. Wala pong resistance sa aking parte at maging sa mga kasama ko. Kasi alam po naman namin na marami ang makikinabang dito,” sabi ni Ramos.
Ilan aniya sa kaniyang kasama ay maraming properties ang ibinenta at “mas gusto namin ito, dahil bukod sa makakatulong na kami sa progreso ng lungsod, kikita pa kami.”
Ayon naman kay City Legal Officer Deguito, maliwanag na “win-win situation” ito sa pagitan ng lungsod at ng mga lot owners. “Parehas na makikinabang ang magkabilang panig dahil magiging daan ito sa patuloy na pag-unlad ng city at pagpasok ng mga investors, samantalang bukod sa kikita ang mga may-ari ng lupa, dodoble ang halaga ng kanilang properties oras na maging progresibo na ang mga lugar na dadaanan ng by-pass road,” dagdag pa niya.
Ang city government ang sumagot sa pagbili ng right of way upang mapabilis ang proyekto samantalang ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang bahala sa construction ng karsada.
Sa kasalukuyan, ginagawa na ang tulay na magdudugtong sa Tingga at mga barangay ng San Pedro, Dalig, Dumantay, Sampaga, Dumuclay, Sirang Lupa, at Libjo. Ang tulay ay may haba na 179 metro samantalang ang buong Phase 1 ay may habang 10.3 kilometers.
Ang Phase 2 ng proyekto ay mula sa Sirang Lupa, San Isidro, Mahabang Dahilig, Tabangao Ambulong, Tabangao Dao, Pinamucan Proper hanggang Pinamucan Ibaba at may haba naman 8.4 kilometro. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.