- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Bagong anti rabies ordinance ipinasa
- Details
- Wednesday, 03 October 2018 - 2:51:55 PM
Sa mga may ari ng aso, siguraduhing ito ay rehistrado, nabakunahan sa rabies at hindi gumagala sa kalye o labas ng inyong bakuran upang hindi maparusahan alinsunod sa bagong ordinansa na ipinasa ng Sangguniang Panlungsod sa regular session nito noong October 2 upang mapaigting ang kampanya na maging rabies-free ang lunsod.
Ito ay ang “An Ordinance Adopting Republic Act No. 9482 o Anti-Rabies Act of 2007 and Providing Guidelines for Its Effective Implementation in the City of Batangas.” Pinawalang bisa ng ordinansang ito ang lumang anti rabies ordinance noong 1997 sapagkat hindi na ito akma sa kasalukuyang panahon. Ito ay akda ni Konsehal Sergie Rex Atienza.
Ayon sa ordinansa, bubuo ng Batangas City Rabies Control Committee (BCRCC) kung saan sila ang magpaplano, magpapatupad at magmo-monitor ng lahat ng programa at proyekto hinggil sa rabies control. Sila rin ang dapat na makipag-coordinate sa National Rabies Prevention and Control Committee (NRPCC) at iba pang NGOs hinggil sa mga bagay na may kinalaman sa kampanya laban sa rabies.
Magbubuo rin ng Barangay Prevention and Control Committee (BRCC) sa bawat barangay upang siyang manguna at mangasiwa sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto alinsunod sa ordinansa sa kanilang lugar.
Kailangang magkaroon ng dog pound ang barangay upang pagdalhan ng mga asong ligaw sahalip na dalhin pa ito sa city pound sa OCVAS.
Binibigyan ng tatlong araw ang may-ari ng aso na tubusin ang kanilang alaga sa barangay dog pound. Kung hindi ito makukuha sa loob ng tatlong araw, ang mga aso ay ililipat na sa city pound sa OCVAS.
Compulsory ang registration ng lahat ng aso sa barangay. Ang BRCC ang kokolekta ng registration fee na P20.00. Ang rehistradong aso ay bibigyan ng Dog Registration Tag na ilalagay sa dog collar at dapat gamitin ng aso habang nasa mga pampublikong lugar upang madaling ma identify na ito ay rehistrado ng BCRR.
Ang registration ay pwedeng gawin sa OCVAS o sa scheduled mass registration at rabies activities sa barangay. Magkakaroon din ng scheduled free mass anti rabies vaccination sa bawat barangay para sa mga rehistradong aso kung saan prayoridad ang mga high-risk areas.
Magsasagawa ng information education campaign ang pamahalaang lungsod tungkol sa pagbabawal sa pagkonsulta sa mga quack doctors o tinatawag na “manunupsop” sapagkat sa halip na makagamot ay maging mapanganib pa ito sa mga nakagat ng aso. Ito ay isang medical malpractice na ilegal at may kaukulang kaparusahan.
Ipinagbabawal din ng ordinansa ang pagpatay at pagbebenta ng karne ng aso sapagkat maaaring ikalat nito ang rabies at iba pang sakit lalo na kung ang hayop ay asong gala o hindi alam kung saan galing. Ang mga lalabag ay papatawan ng multang P5,000 opagkabilanggo ng isang taon o pareho depende sa discretion ng korte.
Responsibilidad ng dog owner na ipagamot ang sinumang makakagat ng kanyang aso at siya ring gagastos sa pagpapagamot nito. Dapat siguraduhin niya na nakatali o nakakulong ang aso sa isang pen upang huwag itong makagala at makakagat ng tao. Kailangan ding obserbahan ang nakakagat na aso sa loob ng14 araw.
Ang hindi tatalima sa pagpaparehistro at pagbabakuna ng kanilang aso ay may written warning sa first offense , multang P1,500 o community service na dalawang buwan o pagkabilanggo ng isang buwan o pareho depende sa discretion ng korte sa second offense. Sa third offense, ang multa ay P2,000 o community service na tatlong buwan at pagkabilanggo ng dalawang buwan o pareho depende sa discretion ng korte. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.