- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
13 girl scouts sa Batangas City napiloing Chief Girl Scouts awardees 2018
- Details
- Monday, 03 December 2018 - 4:28:20 PM
BATANGAS CITY- Labintatlong girl scouts mula sa Batangas City ang kasama sa 713 national awardees na tumanggap ng Chief Girl Scout Medal Scheme (CGSMS) 2018 mula sa Girl Scout of the Philippines National Headquarters dahil sa kanilang mga natatanging kontribusyon sa kapakanan ng kanilang komunidad sa awarding ceremony na ginanap noong ika-23 ng Nobyembre sa Philippine International Convention Center.
Inilunsad noong 1976, ang CGSMS ang pinakamataas at prestihiyosong award na ipinagkakaloob sa isang girl scout na nagpakita ng natatanging serbisyo, pagsisigasig, dedikasyon at “zeal” sa community development at nation building.
Ang 13 awardees ay sina Hannah Joy Acorda at Ma. Therese Lynne Arellano ng NAVERA National Hight School; Kristine Goot, Rhea Hermidilla at Aubrey Valencia ng Pinamucan NHS; Kristine Mae Asi at Nicole Reonal ng Conde Labac NHS; Brianna Sofia Perez, Adelaine Pulpulaan at Danna Lee Guno ng Paharang NHS; Kate Margaret Villafuerte at Aimee Magdalene Mendoza mula sa Batangas State University; at Julie Ann Fe Gutla mula sa Batangas Christian School.
Sila ay binigyan ng pagkilala sa kanilang mga proyekto kagaya ng health and wellness, cooking lesson, livelihood, pagtatayo ng waiting shed sa barangay, feeding program at iba pa.
Dahil sa karangalang sito, binigyan sila ng plaque of recognition ng pamahalaang lungsod ngayong araw na ito, December 3, sa Plaza Mabini.
Ayon kay Girlie Marquez, district field adviser ng District II at tumatayong GSP Coordinator sa Pinamucan NHS, ang Massage Therapy Training ng 15-year old at Grade 10 student ng kanilang paaralan na si Kristine Goot ang napiling itampok sa naturang awarding kasama ang dalawa pang proyekto mula sa Lucena at sa Mindanao.
Sa tulong ni Troupe Leader Dolores Briones na nagsanay sa TESDA at syang nagturo kay Goot, sumailalim sa pagsasanay sa pagmamasahe tuwing araw ng Sabado sa loob ng isang taon ang 20 unemployed mothers ng barangay Pinamucan Proper. Ito ay ginaganap sa barangay hall sa tulong at suporta nina Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Marino.
Sa pamamagitan ng nabanggit na pagsasanay, nagkaroon sila ng kaalaman sa massage therapy na nagagamit nila sa kanilang mga kapamilya at pwede ring maging ekstrang pagkakakitaan.
“Sobrang saya ko po at thankful po ako na napili yung project ko. Ipagpapatuloy ko po ang pagkakaloob ng kasanayan sa mga kababaihan sa aming barangay,”sabi ni Goot.
Binigyang diin ni Guidance Coordinator Teofista Rodriguez na proud sila na sa dinami dami ng girl scouts ay mula sa kanilang paaralan ang napiling pagkalooban ng naturang karangalan.
“Ipinagmamalaki po naming na magagaling ang mga bata na galing sa public school at hindi sila nagpapahuli sa mga mag-aaral mula sa mga pribadong paaralan,” dagdag pa niya.
Sinabi rin ni Rodriquez na malakas ang kanilang loob na iencourage ang kanilang mga mag-aaral na magsagawa ng ibat-ibang proyekto dahil parang nakasandal sila sa pader kay Mayor Dimacuha. Lahat aniya ng pangangailangan ng kanilang paaralan ay napagbibigyan ng Mayor kung kayat marami ang kanilang natutulungan.
Mula taong 2009 hanggang sa kasalukuyan, may 230 girl scouts na sa lungsod ang naging chief medalists ng GSP.(PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.