Error
  • JFolder: :files: Path is not a folder. Path: /home/batangas/public_html/web/images/News/2024/April/15/a/

Earth Month 2024

 

TINGNI: Pinangunahan nina Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Marino ang ribbon cutting ceremony ng photo exhibit sa Plaza Mabini bilang pagdiriwang ng Earth Month, April 15.

Ang Araw ng Daigdig o Earth Day ay isang taunang gawaing ginugunita upang ipakita ang suporta ng lokal na pamahalaan at maisulong ang pangangalaga sa kapaligiran at kalikasan.

Ang International Theme ng selebrasyon ay Earth VS Plastics kung saan hinihikayat ang lahat na umiwas sa paggamit nito upang maging plastic-free planet ang mundo para sa mga susunod na henerasyon.

Ang pagbubukas ng exhibit ay isinagawa pagkatapos ng regular na flag ceremony ng mga kawani ng pamahalaang lungsod.
Tampok dito ang larawan ng ibat-ibang coral reefs, mangrove trees, flora at sea species na matatagpuan sa lungsod na nagpapatunay ng pagkakaroon ng biodiversity sa Batangas City.

Dumalo din sa naturang okasyon sina Vice Mayor Alyssa Cruz, mga myembro ng Sangguniang Panglungsod at mga Department Heads. (PIO Batangas City)