Ibayong suporta sa kabuhayan isusulong

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg

BATANGAS CITY- Tinututukan ngayon ni Mayor Beverley Dimacuha ang ibayong pagpapalago ng mga home-based livelihood upang maiangat ang economic productivity ng mga mamamayan at mabawasan ang problema sa unemployment.

Sa bisa ng Executive Order No. 6 dated March 6, 2018, binuo niya ang Committee on Livelihood kung saan siya ang chairman at si Gilda Godoy, city planning and development officer lV bilang vice-chairman. Layunin nitona magkaroon ng integrated management ng mga livelihood programs ng ilang departamento ng pmahalaang lungsod at mapalawak ang oportunidad sa kabuhayan partikular sa agriculture kagaya ng backyard gardening, livestock-raising, aquaculture, food processing at iba pa.

Kaugnay nito, nagkaroon ng pagpupulong noong June 18 ang Commitee on Livelihood sa mga presidente ng Kalipunan ng Liping Pilipina (Kalipi) at Rural Improvement Club (RIC) ng bawat barangay upang ipaalam sa mga ito ang tulong ng maiibigay na pamahalaang lungsod sa mga may home-based livelihood.

Ayon sa vice chairman na si Gigi Godoy, higit na matutulungan ang mga maliliit na negosyo sa pamamagitan ng pagiging miyembro ng Batangas City Producers Cooperative. Ang kooperatibang ito ay dating binubuo ng mga miyembro ng Rural Improvement Club na itinatatag ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services sa bawat barangay at siyang namamahala ng Pasalubong Center ng pamahalaang lungsod sa Plaza Mabini. Pinapalawak ngayon ang membership nito upang maging bukas sa iba pang miyembro at matulungan ang mga ito sa kanilang negosyo.

“Isa sa mga problema ng nagnenegosyo ay ang marketing kung saan pwedeng makatulong ang committee. Pwedeng ibenta ang mga produkto ng mga negosyante sa Pasalubong Center kung ito ay papasa sa quality control ng OCVAS,” sabi ni Godoy.

Matutulungan din ang mga nais mapabilang sa kooperatiba sa packaging ng kanilang produkto lalo na ang mga for export. (PIO Batangas City)