Pulis nagsagawa ng bank robbery simulation

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg

BATANGAS CITY- Nagsagawa ng bank robbery simulation exercise ang Batangas City Police sa isang private bank sa RizaL Avenue na isang commercial area sa poblacion kamakailan upang makita ang kanilang kahandaan sa pag responde sa ganitong krimen.

Sa naging senaryo ng simulation, bandang alas 4:40 ng hapon, nakatanggap ng tawag ang police station mula sa isang bangko na may nagaganap na robbery hold up sa kanila. Agad nagbigay ng briefing si P/Supt. Sancho Celedio kung ano ang dapat gawin sa Mobile Patrol Group, SWAT team at ibang kapulisan na reresponde sa krimen. Binigyang diin dito na dapat naaayon sa batas at gumagalang sa karapatang pantao ang paghuli sa mga suspek.

Nang dumating sa bangko ang mga pulis ay nakatakas na ang dalawang armadong lalake subalit nakita nila ang mga itong sumakay ng isang SUV kayat nagkaroon ng hot pursuit hanggang maabutan sila sa may Philippine Ports Authority. Nahuli nila ang mga suspek ng walang naganap na barilan at nadala ang mga ito sa police station.

Sinabi ni Spo1 Ding Calalo, operation/CPSM/Firearms desk PNCO, na ang nasabing exercise ay bahagi ng layunin ng Patrol Plan 2030 na mapaigting ang crime prevention at solution sa komunidad. Iminungkahi naman ni Celedio na magkaroon ng CCTV at alarm button ang bawat establisyemento na konektado sa police station upang mas mapabilis pa ang pagresponde sa sa krimen.(PIO Batangas City)