Earthquake drill sa isang public school maayos na nagawa ng mga guro at estudyante

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Maayos na nakalabas ng kanilang mga classrooms ang mga eskwela sa Banaba West Elementary at National High School sa kanilang paglahok sa 2nd quarter nationwide simultaneous earthquake drill ng City Disaster Risk Reduction and Management Council(CDRRMC) noong ika-21 ng Hunyo bandang 2:00 ng hapon.

Sunod sunod na lumabas ng paaralan ang mga mag-aaral at guro habang naka duck, cover and hold nang tumunog na ang sirena hudyat ng simula ng drill.

Nang tumigil ang sirena, nagtungo ang mga ito sa bakanteng lote ng paaraalan na nagsilbing evacuation center.

Kaagad nagreport sa evacuation officer ang mga guro hinggil sa bilang ng kanilang mga estudyante. Nabigyan din agad ng first aid treatment ang isang batang sumama ang pakiramdam.

Sa kanilang evaluation, pinuri ng kinatawan ng BFP, Red Cross at PIO ang ipinakitang kahandaan ng mga guro at mag-aaral. Iminungkahi nila na magkaroon ng mas malawak na evacuation area na malayo sa mga hazards tulad ng mga poste at puno na maaaring matumba at makadisgrasya.

Payo naman ng kinatawan ng CDRRMO na kapag nasa aktwal na sitwasyon na ng lindol ay maging mas mabilis at seryoso ang paglikas ng mga ito subalit huwag magpanic at sa halip ay maging kalmado. ( PIO Batangas City)