Isang symposium ang itinaguyod ng Nutrition Division ng City Health Office (CHO) tungkol sa Breastfeeding

  1.jpg 10.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

TINGNI: Isang symposium na tinaguriang Enabling Breastfeeding: “Isulong ang ligtas at malusog na pagpapasuso para sa manggagawang Pilipina!” ang itinaguyod ng Nutrition Division ng City Health Office (CHO) noong August 29.

Ito ay dinaluhan ng mga piling kawani ng pamahalaang lungsod at ng mga Barangay Nutrition Scholars (BNS).

Naging resource speaker si Department of Health (DOH) Region IV-A Nutritionist Dietitian IV na si Jellie Anne Palencia kung saan binigyang diin niya ang kahalagahan at mga benepisyo ng breastfeeding sa kalusugan ng mga ina at sanggol, psychological benefits sa mga nagpapasusong ina, at ang benepisyo nito upang magkaroon ng isang healthy at productive workforce.

Tinalakay din niya ang RA 10028 o ang “Expanded Breasfeeding Promotion Act of 2009” at ang mga general principles na nakapaloob dito.

Ipinabatid din niya ang mga requirements sa pagse set-up ng lactation station sa mga establisyimento.

Tampok sa nabanggit na okasyon ang paggagawad ng Mother-Baby Friendly Workplace Certificate sa mga business establishments na may maayos at angkop na breastfeeding room(s).

Ginawaran rin ng certificate of appreciation ang mga ina nagdonate ng gatas sa human milk bank sa Batangas Medical Center (BatMC).

Nanumpa at lumagda sa pangako ng pagsuporta ang mga dumalo bilang mga kasapi ng Mother Support Group.

Tutulong sila sa pagpapalawak ng kaalaman ukol sa breasfeeding para mahikayat ang mga ina na magpasuso.

Irerekomenda din nila ang eklusibong pagpapasuso sa unang anim na buwan ng sanggol, at tutulungang maihanda ang mga buntis lalo’t higit ang mga nagtatrabaho para sa kanilang pisikal, mental at emosyonal na estado para sa nalalapit na pagpapasuso
Nagpasalamat naman si City Health Officer, Dr. Rose Barrion sa mga dumalo at sa tulong ng mga ito sa pagpapalaganap ng breastfeeding campaign.

Nangako din ng suporta sina Coun. Ched Atienza at dating Kon. Aileen Montalbo sa naturang kampanya.