BARANGAY AT SK ELECTIONS 2023, maayos at payapang naisagawa

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Maayos at payapa ang botohan para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) na nagsimula ng ikapito ng umaga at nagtapos ng ikatlo ng hapon noong October 30.

Manual voting ang ipinatupad ng COMELEC para sa BSKE 2023.
Sampu ang pinakamaraming bilang ng taong pwedeng bumoto sa loob ng presinto.

Bawal ang gumamit ng cellphone at makipag usap sa mga watchers habang bumoboto.
Ang mga myembro ng Board of Canvassers ang naghuhulog ng balota sa ballot box.

Mayroon ding police desk ang Batangas City Police Station (BCPS) na syang aaksyon kung magkaroon man ng kaguluhan.

Samantala, bumoto sina Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Marino sa Batangas National High School (BANAHIS) kasama sina ABC President Dondon Dimacuha, ang kabiyak nitong si Atty Alyssa Dimacuha, Secretary to the City Mayor Atty Reginald Dimacuha at dating Punonglungsod Vilma Dimacuha. bandang 10:00 ng umaga. (PIO Batangas City)