Pagdiriwang ng Kapaskuhan sa lungsod, simula na

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 22.jpg 23.jpg 24.jpg 25.jpg 26.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Nagliwanag ang lungsod ng Batangas sa isinagawang Christmas kick-off activity ng pamahalaang lungsod na syang hudyat ng pagsisimula ng pagdiriwang ng Kapaskuhan sa Batangas City, November 14.
Tema ng pagdiriwang ay “Diwa ng Paskong Batangueno: Ang Pista ng Pagmamahalan at Pagbibigayan”.

Pinangunahan nina Mayor Beverley Dimacuha ang ceremonial switch on ng 45-feet na Christmas Tree sa Plaza Mabini na highlight ng selebrasyon kasabay ng pag-ilaw ng mga parol sa harapan ng City Hall, Batangas City Coliseum, kahabaan ng P. Burgos, kahabaan ng Rizal Avenue, gayundin sa EBD Bridge of Progress at Bridge of Promise.

Isang Children Show na may mga magicians at clowns ang Pamaskong handog ni Mayor Beverley sa mga bata.
Nag enjoy din ang mga bata kay Santa Claus at sa mga cosplayers na sina Spiderman, Ironman, Wonder woman at Batman.
Tumanggap ng lootbags ang may 500 daycare children at libreng cotton candy, ice scramble, fries, hotdog at ice cream sa food stalls mula sa pamahalaang lungsod.

Naghandog naman ng Christmas carols ang Musicam Sacram at ang Lighter Side Movement.
Higit na lumutang ang ganda ng Plaza Mabini dahil sa Belen at sa mga dekorasyon nito na lubos na kinagiliwan ng mga Batangueno.
Ipinapanood din sa unang pagkakataon ang Christmas ID ng Batangas City tampok ang mga centenarians at ilang beneficiaries ng mga programa ng lokal na pamahalaan.

Nakiisa din sa nasabing okasyon sina Congressman Marvey Marino, Bokal Claudette Ambida, Vice Mayor Alyssa Cruz, mga myembro ng Sangguniang Panglungsod at mga Department Heads.

Ang mga Christmas decoration sa lungsod ay tatagal hanggang sa pagdiriwang ng kapistahan ng Mahal na Patrong Sto Nino sa ika-16 ng Enero. ( PIO Batangas City)