Ilang public high schools lumahok sa nationwide simultaneous earthquake drill

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

BATANGAS CITY-Isa ang Talumpok National High School sa lumahok sa second quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa pangangasiwa ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).

Ang scenario- 7.0 magnitude na lindol. Pagka tunog ng alarm bell, maayos na naglabasan ang may 450 estudyante mula sa kanilang classrooms ng naka duck, cover and hold at tumuloy sa evacuation area sa harap ng eskwelahan.

May dalawang estudyante ang na trapped sa isang mataas na building at maayos na nailigtas ng kanilang rescue team.

Ayon kay Calixto Landicho, disaster coordinator at tumatayong incident commander ng paaralan, hindi lamang sapat na gawin ang duck, cover and hold, kundi mahalaga rin ang kooperasyon at koordinasyon ng bawat isa. “Marami kaming kakulangan lalo na sa pagkakaroon ng malawak na evacuation area. Kino consider namin ang anumang suhestiyon upang mas lalo pa kami maging handa,” sabi ni Landicho.

Ayon naman sa mga evaluators, naging maayos ang naging pagresponde subalit kailangang mas lalo pang paigtingin ang kahandaan ng paaralan at komunidad.

Hinikayat ng CDRRMO ang mga guro na gawing apat na beses sa isang taon ang earthquake drill. Kailangan din anila ng sumailalim sa pagsasanay sa basic life support upang magkaroon sila ng dagdag kaalaman tungkol sa pagligtas ng buhay. (PIO Batangas City.)