2018 supplemental budget na P1.7 bilyon ng Batangas City inaprubahan

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 22.jpg 23.jpg 24.jpg 25.jpg 26.jpg 27.jpg 28.jpg 29.jpg 3.jpg 30.jpg 31.jpg 32.jpg 33.jpg 34.jpg 35.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

BATANGAS CITY-Inaprubahan ng multi-sectoral City Development Council sa Full Council Meeting nito ngayong Martes, June 26, ang proposed 2018 City Supplemental Annual Investment Program No. 1 na nagkakahalaga ng P1.7 bilyon .

Ang Annual Investment Program (AIP) ay naglalaman ng lahat ng mga ipatutupad na programa at proyekto ng pamahalaang lungsod at mga barangay na may kaukulang pondo o budget para sa isang fiscal year.

Ayon kay City Planning and Development Coordinator Januario Godoy, ang P1.7 bilyong budget ay nahahati sa general public services na may pinakamalaking appropriation na P1.3 bilyon; social development , P7.5 milyon at economic services, P384.7 milyon.

Kabilang sa mga gastusin ng city government sa public services ay ang financial obligation na loan sa LandBank na dati ay nakakarga sa 20% Dev. Fund subalit ipinagbabawal na ngayon ng Commission on Audit kaya naka charged na sa General Fund. Kasama rin dito ang mga programs at projects ng Department of Education, na hindi napasama sa Special Education Fund at sa regular AIP.Ang iba naman ay mapupunta sa pagbili ng lupa na hiniling ng ilang barangay captains upang pagtayuan ng mga projects kagaya ng covered court, health center at iba pa. “Ang ibang barangay na may kakayahang bumili ng lupa ay may share na pondo ng pamahalaang lungsod o ng pamahalaang nasyonal para sa konstruksyon ng building,” sabi ni Godoy.

Sa social development services , kabilang dito ang mga gastusin sa Colegio ng Lungsod ng Batangas, mga services ng City Health Office at social services ng City Social Welfare and Development Office .

Nakapaloob naman sa economic services ang mga gastusin sa veterinary and agricultural services, environment, engineering, market administration at infrastructure projects na bahagi ng city disaster risk reduction and management. Samantala, ginawaran ng pagkilala ni Mayor Beverley Rose Dimacuha at Congressman Marvey Mariño ang 27 barangay captains na naglingkod ng tatlong magkakasunod na termino noong 2007-2010, 2010-2013 at 2013-June 30, 2018 o kabuuang 11 taon dahilan sa tatlong beses na postponement ng barangay elections sa ilalim ng pamumuno ni Presidente Rodrigo Duterte.

Ang mga ito ay sina: Guilberto Alea (Alangilan), Nestorio Culla (Banaba Center), Mina Lusanta (Banaba Kanluran), Manolo Ramos (Concepcion), Victor Claveria (Cumba), Cirila Lilay de Ocampo (Gulod Itaas), Lorenzo Gamboa Jr. (Kumintang Ibaba), Marivel Santos (Maapaz), Lucilo de los Reyes (Mahabang Dahilig), Roberth Bagon (Pagkilatan), Hilario Perez (Pallocan Silangan), Benedicto Baes 11 (Pinamucan Proper), Michael Marasigan (Pinamucan Silangan), Moises Dudas Jr. (Sampaga) , Olivia Peres (Sta. Rita Aplaya), Pedro de Torres (Sto. Domingo), Robelito Mayate (Tabangao Aplaya), Jayferson Berberabe (Tabangao Ambulong), Melecio Delica (Talumpok Silangan), Russel Gregorio Villena (Brgy. 4), Aristedes Solis (Brgy. 5) Charito Gonzales (Brgy, 10), Nelia Manalp ( Brgy. 11), Frederick Cantos (Brgy. 13), Ernesto Lepran (Brgy. 22), Cesar Ramos ( Brgy. 23) at Flordeliza Antenor (Brgy. 24). ( PIO Batangas City)